Advertisers

Advertisers

Caviteño dumagsa sa Ecunemical prayer rally para kay ex- Sen. Revilla

0 13

Advertisers

DUMAGSA at nakiisa ang mga Caviteño mula sa iba’t-ibang panig ng lalawigan at nagtipon sa Aguinaldo Shrine sa bayan ng Kawit Linggo ng hapon upang makiisa sa Ecumenical Prayer Rally para kay dating Senador Ramon Bong Revilla, Jr.
Isinagawa ang pagtitipon sa gitna ng patuloy na pag-aakusa kay Senador Bong Revilla, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon City Jail Male Dormitory.
Napuno ang lugar ng mga tagasuportang lubos na iginiit ang kawalan ng katarungan sa pagkakapiit ng senador, kasabay ng panawagan para sa isang makatarungan at patas na proseso ng hustisya. Anya ng mga matatagal na raw na tagasuporta ni Revilla na nagtungo sa Aguinaldo Shrine, bunga lamang daw ito ng pulitika at ang nakapiit na mambabatas ang biktima lamang panggigipit.
Sa report, 5:00 ng hapon, nagsimula ang ecumenical gathering na pinangunahan ng mga kinatawan mula sa simbahang katolika, mga kristyano at protestanteng denominasyon, mga kapatid na muslim, at iba pang religious groups. Ang naganap na pagtitipon ay pinta ng isang makapangyarihang larawan ng pagkakaisa ng iba’t ibang pananampalataya sa iisang layunin – ang ipanalangin ang kapayapaan ng bansa at ang pananaig ng katotohanan.
Dinaluhan ang rally ng mga samu’t saring supporters, civic groups, at people’s organizations mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Cavite na nagpahayag ng paniniwalang ang batas ay dapat manaig nang walang kinikilingan.
“Nandito kami para manalangin. Ang hinihingi lang namin ay due process – ang pagkakataong marinig ang buong katotohanan,” pahayag ng isang supporter mula sa Bacoor sa isang ambush interview.
“Bilang mga Caviteño, kilala namin ang pagkatao at serbisyo ni Senador Bong Revilla. Noon pa mang nagsisimula siya na paglingkuran ang bayan, naging gobernador, naging bise-gobernador, alam naming hindi niya magagawa ang inaakusa sa kanya. Naniniwala kami na sa tamang panahon, lalabas ang katotohanan,” ayon naman sa isang miyembro ng people’s organization mula sa Imus.
Sa panayam kay Gng Erlyn Dalao ng Molino 3 Bacoor City , Presidente ng Senior Citizen ng Buong Molino Bacoor , “Laban hanggang huli , hndi namin iiwan ang aming Sendor, dapat magkaroon ng tamang due process para mapatunayan at mailabas ang totoong may Sala , Katarungan para sa aming Senador “.
Ilan sa mga dumalo ang nagbigay-diin na ang kanilang pagtitipon ay hindi isang kilos-protesta kundi isang panawagan ng konsensya.
“Mas pinili naming manalangin kaysa sumigaw. Sa gitna ng ingay at intriga, pananampalataya ang aming sandigan,” ani ng isang lider-relihiyoso na dumalo sa okasyon.
Sa pagtatapos ng pagtitipon, nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Congresswoman Lani Mercado-Revilla, maybahay ni dating senador Ramon Bong Revilla, Jr., sa libo-libong Caviteñong nakiisa sa panalangin at patuloy na nagpapakita ng suporta sa kanyang pamilya.
“Maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na naniniwala, nagdarasal, at naninindigan para sa katotohanan. Ang inyong presensya at panalangin ang nagbibigay ng lakas sa aming pamilya sa panahong ito ng pagsubok,” pahayag ni Congresswoman Mercado-Revilla.
“Buong tiwala kami na makakamtan muli ang hustisya para kay Bong. Sa tulong ng Diyos at sa tamang proseso ng batas, ang katotohanan ay lalabas at mananaig,” dagdag niya. (Irine Gascon)