Advertisers

Advertisers

PNP buburahin mukha at pangalan ng mga politiko sa govt. projects

0 19

Advertisers

IPINAG-UTOS ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez, Jr., sa mga pulis na tanggalin ang mukha at pangalan ng sinomang politiko sa goverment projects. Dapat lang!

Aprub na aprub sa atin ang matapang na utos na ito ni General Nartatez. Pero sino kayang pulis ang may bayag para gawin ito?

Kung sabagay hindi naman under ng mayor, gobernador, congressman, senador o presidente ang Philippine National Police (PNP).

Ang PNP ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Interior and Local Government (DILG), kay Secretary Jonvic Remulla, na siya mismo ang nag-utos na burahin, taggalin ang pangalan at mukha ng sinomang govt. officials o politiko sa mga proyektong tinustusan ng pera ng publiko.

At mismong ang Commander-in-Chief, President Bongbong Marcos, Jr., ang nag-utos kay Jonvic na ipagbawal ang paglagay ng pangalan ng sinomang opisyal/politiko sa govt. projects.

Kaya walang dapat ikabahala ang sinomang pulis sa pagtupad sa utos na ito. BURAHIN ANG PANGALAN AT MUKHA NG GOVT. OFFICIAL/POLITICIAN SA MGA PROYEKTO NG GOBIERNO. Now na!

***

Sa Rizal, nakabalandra ang mukha at pangalan ng Ynarez sa mga kanto, gayundin ang Binay sa Makati City, at iba pang mga lungsod sa Metro Manila o National Capital Region (NCR). Aakalain mo nga pag-aari nila ang probinsiya o lungsod eh. Iisipin mo na sariling pera nila ang ipinatayo sa mga proyekto na ginastusan ng pondo ng publiko. Grabeng kaepalan! Pwe!!!

***

Sa mga probinsiya, partikular sa Romblon, makikita mo ang pangalan ng barangay chairman, mayor, congressman, o governor sa mga sasakyan ng local government unit (LGU). Proud na proud sila sa kaepalan na ito. Akala mo naman sa sariling bulsa nila galing ang ipinambili?, eh pinagkakitaan pa nga nila! Mismo!!!

Kaya, mga pare’t mare, ‘pag nabasa n’yo ang pangalan ng sinomang politiko sa govt. vehicles kahit sa ambulansya, at sa mga muti-purpose hall o covered basketball court, kuhanan ninyo ng picture at i-post sa Facebook, sigurado viral yan. Yes! Let’s do it, bayan!!!

***

Dapat imbestigahan itong DPWH engineer sa 2nd district ng Albay na lumulustay ng milyones sa sabungan. Tumataya raw ng milyones kada sultada. Lupet!

Katulad din siya ng mga sinibak na sina Henry Alcantara at Brice Hernandez ng DPWH Bulacan.

May conflict of interest din kay Engineer. Mayroon siyang sariling construction company na pasok sa DPWH. At dahil opisyal siya ng ahensiya, kopo niya ang maraming kontrata. Bawal na bawal ito sa ating Saligang Batas. Imbestigahan!