Advertisers

Advertisers

25 BIR PERSONNEL KINASUHAN SA ‘LOA’

0 19

Advertisers

MAHIGIT 25 kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasampahan na ng kaso dahil sa pag-abuso sa pag-isyu ng Letter of Authority (LOA) na nagagamit na sa pangingikil sa mga negosyante sa pagbabayad ng buwis.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, tinanong ni Senador Erwin Tulfo ang BIR kung may tiwaling personnel ng ahensiya ang nasampahan ng kaso sa Department of Justice dahil sa pag-isyu ng LOA.
“May nanagot po ba? Ang dami natin pinadalang LOA, base po dito sa files po namin, doon sa LOA po na ipadala po dati, 1% lang ang nakaabot sa DOJ, ang nakasuhan. And then, mas lesser pa po sa court of tax appeals,” sabi ni Tulfo.
“Ang tanong po natin diyan, may way forward din po ba kayo para hindi na po maulit? O sufficient itong reforms ninyo para maiwasan na po itong ika nga areglo, etc.?” tanong pa senador.
Tugon naman ni BIR Chief, Atty. Charlito Mendoza, sa 30 empleyado nila na kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon, 25 na rito ang nasampahan ng kaso.
Tiniyak din niyang ang mga tauhang hindi susunod sa bagong Revenue Memorandum Orders (RMOs) ay mananagot at posibleng makasuhan ng administrative, civil o criminal case.
“Maliwanag po na nakalagay sa ating RMO na ang mga kawani ng BIR na hindi susunod sa mga bagong panuntunan ay mananagot, makakasuhan sila either administratively, civilly, or criminally. But meron din po kami mga ongoing investigations of BIR personnel,” ani Mendoza.
“As of now po, meron kami 30 employees that are undergoing investigation. In fact, yung 25 po sa kanila ay meron ng formal charge,” sambit pa niya.