Advertisers

Advertisers

Battalion commander, 11 tauhan kinasuhan ng kriminal sa hazing

0 6

Advertisers

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ang labingdalawang (12 ), kabilang ang battalion commander, personnel Police Regional Office Bangsamoro Mobile Force Battalion 14 B kaugnay sa pagsasailalim sa hazing sa 100 bagong recruit sa isang reception right sa Lamitan City, Basilan.
Ayon kay Brigadier General Randulf Tunao, PNP Spokesman, ang 12 kabilang ang isang Colonel na commander ng RMFB 14B ay sinampahan ng kasong physical injury sa ilalim ng Republic Act No. 11053, The Anti Hazing Act, sa prosecutor office.
“Identified sila na may direct hand or participation base doon sa mga affidavit na nakuha nila at base narin doon sa mga lumabas na medical certificate, bale naging ebidensya ‘yung mismong affidavit or complaint nung mismong mga involved at ito ay may coupled with medical certificate,” ani Tuano.
Sinabi ni Tuano na ang pagsasampa ng kaso laban sa Battalion Commander ay base sa imbestigasyon ng PRO BAR hindi lamang dahil sa executive order 226 o command responsibility. Ito ay sa physical na presence habang nangyayari ‘yung mga nasabing insidente.
“Sa imbestigasyon, ang sinasabi lang ng mga nagbigay ng mga affidavit, physically present nung mangyari ‘yung insidente ang nasabing Colonel,” ani ni Tuano.
Isinaad ni Tunao na posibleng madagdag o tumaas pa ang bilang ng mga masasampahan ng kasong kriminal habang patuloy ang imbestigasyon. “Katulad nung nabanggit ko nagsimula sa 12 na restrictive custody, ngayon 22 na.”
Aniya, na-relieved na ang naturang mga pulis sa kanilang mga puwesto, at nagre-report ang mga ito sa Regional Headquarters. Pansamantala ring nahinto ang kanilang suweldo.
Kaugnay nito, sinabi ni Tuano na ang mga pulis na sumailalim sa hazing ay binigyan ng 9 araw na pahinga para maghilom ang kanilang mga pasa o hematoma.
(Mark Obleada)