Advertisers
INILABAS nitong Huwebes, Pebrero 12, ng San Pablo, Laguna Regional Trial Court ang ikatlong warrant of arrest laban sa wanted nang gambling tycoon, Charlie “Atong ” Ang.
Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, abogado ni Ang, ang warrant ay may kinalaman sa kinakaharap na kaso ng kanyang kliyente ukol sa pagkawala ng umano’y mahigit 100 sabungeros noong kasagsagan ng Pitmaster online ng grupo ni Ang.
Ang warrant ay para sa kasong ‘Kidnapping and Serious Illegal Detention’.
Una nang naghain ng ‘motion to suspend proceedings’ sa korte ang kampo ni Ang, su-bali’t nadetermina ang pagkakaroon ng ‘probable cause’ laban sa akusado kaya nag-isyu ito ng arrest warrant.
Maalala na ipinagpaliban ng RTC ng San Pablo ang pag-iisyu ng arrest warrant laban sa negosyante, na kinuwes-tyon naman ng Department of Justice ang pagka-delay.
Ang una at pangalawang warrants ni Ang sa parehong kaso ay mula sa Regional Trial Court ng Sta.Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas.
Samantala, itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa P20 milyon ang reward para sa makakapagturo ng ki-naroroonan ng negosyante upang mapabilis ang kanyang pag-aresto.
(Jocelyn Domenden)