Advertisers

Advertisers

Rumespondeng pulis minartilyo sa ulo, grinipuhan pa; salarin todas

0 8

Advertisers

NASAWI ang isang lalaki nang gantihan ng putok ng isang rumespondeng pulis-Maynila na kanyang minartil-yo sa ulo at sinaksak sa tagiliran sa Sta. Ana, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang napatay na si Christopher Glenn Miralles, 41 anyos, residente ng Punta, Sta. Ana.
Sa imbestigasyon ng MPD, nakatanggap ng tawag sa 911 ang mga tauhan ng Police Station 6 kaugnay sa insidente ng domestic violence Martes ng gabi.
Agad na tumugon sina Patrolman Reygie P. Pellas at Cpl. Jhomer C. Castillo ng nasabing istasyon ng pulisya.
Pagdating sa lugar, tinulungan ng mga pulis si Miralles at ang kanyang asawa na si Annabelle at dinala sa barangay hall upang ayusin ang kanilang problema.
Sa kanilang pag-uusap sa barangay, humiling ang ginang ng protection order, na nakatakdang ilabas kinabukasan.
Pagkatapos ng pag-uusap, sinamahan ni Pat. Pellas ang ginang na bumalik sa kanilang bahay dahil sa takot sa kanyang kaligtasan. Subalit pagdating sa ikatlong palapag, biglang lumitaw ang mister at muling sinaktan ang babae, kaya tumakbo ito papasok sa kanilang bahay.
Pabalik na noon si Pat. Pellas sa kanyang duty sakay ng motorsiklo nang mabanggit naman ng isang sekyu sa Jamie Cardinal Sin Village na naunang bumalik ang mister.
Bunsod nito, agad-agad siyang bumalik sa gusali, kungsaan niya inabutan ang mister sa ground floor. Ngunit hindi pa man naka-kababa sa motorsiklo, inatake na siya ng mister, minartilyo sa ulo at sinaksak pa sa kaliwang bahagi ng katawan.
Bilang self-defense, nagawang magpaputok si Pat. Pellas. Tinamaan ang mister, na dinala pa sa pinakama-lapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Dinala rin sa Philippine General Hospital (PGH) ang sugatang pulis.
(Jocelyn Domenden)