Advertisers

Advertisers

FLM-PACMAN UMBAGIN ANG MGA WALANG AMBAG SA LIPUNAN

0 12

Advertisers

ANG sagwa ng karakas ng mga balasu’bash na walang ginawa oras-oras para gibain ang pagkatao ng taong tumutulong noon pa man sa kanyang mahal bayang sinilangang Pilipinas.

Kahit ano gagawin ng mga walang silbing vlogger( daw) upang magawan ng panirang content ang pumapaimbulog na namang social media influencer na si Dr.Francis Leo Antonio Marcos PhD.

Kahit puro silat ang mga panggigiba ng mga self- proclaimed na kalaban ng kampeon sa kawanggawa na si FLM ay patuloy silang naghahanap- butas (na kanilang hanapbuhay) sa isang moog nang target pero puro sablay ang sipat dahil bumabalik sa mga balasu’bashers ang kanilang palasong pinakakawalan na layong maminsala ng taong mahal ng mga natutulungang kababayan.

Kung tutuusin, isang umbag lang ni FLM sa mga taong walang naiambag sa kapakanan ng masang Pilipino ay di pa niya binibigwas dahil kontrolado naman ng pandemic hero ang sitwasyon.

Imagine, matapos silang sumablay sa paninira sa Agila ng Norte sa mga kinakapanayam nilang kilala sa lipunan sa layong awayin nila si FLM ( klasik dito ay pang-uuto nila ke Pambansang Kamao at ex- world boxing champion turned politician former Senator Manny Pacquiao).Muntik na nilang mauto si Pacman para magalit kay FLM sa isyung ang mga bash’urang bulabogers ang may pakana pero na-realize ng ating boxing champ na ginagamit lang siya ng mga ogags na makaungas( titulo pa lang e gago na lang ang maniniwala dito at di mabubuhay nang di nanggigiba ng taong may kaya sa buhay pero di nila kaya ang iniidolo ng laksa-laksa sa socmed na batang Marcos).

Katunayan dito ay ang muling pagsirit ng dami ng live viewers ni Apo Francis habang tinitiris niya ang mga ipis na blagista ay dumarami pa ang simpatiya kay pilantropo FLM.

Bash pa more mga bara’bash dahil lalo lang siyang humahara’bash sa ere ng mga fame ..Francis Leo is da name, ang bumangga..GIBA!

Lowcut- Kung me nang- iisyu tungkol sa edited post na uniporme ng pulis; unahin muna i-issue sa mga talagang nagsusuot ng uniporme ng pulis (ginagawa pang lider -sindikato o kruk ang karakter ng mga naturang. alagad ng batas )sa tv series at movies eh di naman sila tunay na lespu at taga-entertainment lang din sila tulad ng content creator sa socmed.Panis at gasgas na naman ang mga ogags na makaungas..mga balasu’ BASH!