Advertisers
HABANG nakatanaw ang lahat sa posibilidad ng pagpapalago ng income sa negosyo man o sweldo sa pinapasukang trabaho, very impressive and inspiring ang naglalakihang premyo ng mga Atletang Pinoy na pinapalad at nagbubuhos ng lakas sa paggawa ng pangalan at malaking karangalan para sa bansa. Salamat at nasa world stage ang mga pambato ng Pinas
Milyones para sa mga kampeon led by World 8 Division Boxing Champ MANNY ‘Pacman’ PACQUIAO, World Double Gold Champ sa Athletics CARLOS EDRIEL YULO at Tennis superstar ALEXANDRA ‘Alex’ EALA na sinusundan ng tambak pang Sports great wannabees. Salute, Pinoy Athletes!
BASKETBOL AT SHOWBIZ SA HIGH SALARY BRACKET
HINDI lang basta passion, tumbok din ng cagers ang magandang monthly salary na abot sa Php500K sa mga deserving basketeers bukod sa popularity at karangalan kapag nashoot ang ability. On the other hand, obvious ang laki ng kita ng successful celebrities, sweldo man o talent fee. close to millionaire status.
REGULAR SALARY STATUS, KUMUSTA?
YES po, effort to the max lang sa pag-aaral para magkaroon ng magandang salary from regular employment depende sa course at capability, yun ang normal.Yun lang, kahit saan may exception o aberya kaya.
Habang namamayagpag sa laki ng sweldo ang government officials mula sa taxpayers, bukod pa sa chances ng kurakot na malaking isyu ngayon sa Pinas at sanhi ng kabi-kabilang siraan, may nakasilip po ba sa sitwasyon ng mga regular ang sweldo na rank and file employees kasama na ang public school teachers na pasok ngayon sa current news?
Sa karaniwang sweldo na Php30 K more or less, depende sa status or salary grade, marami pala sa kanila ang lubog o baon sa utang at di mapagkasya ang tirang sweldo sa gastos ng pamilya, malaki o maliit. May accredited entities sa sistema ng Education para makatulong sana sa mga gipit o may emergency needs na hindi rin basta naiiwasan.
Yun lang, may nakapasok pala na outside lending firms, loan sharks ang dating, grabe sa accumulating interest at hawak ang ATM cards ng umutang kaya hatak lahat ng charges, from interest to penalties lalo sa delayed payments.
Shocking to learn na may teachers palang halos zero balance ang sweldo dahil dito., no choice sa offer ng renewal sa utang (ie.Php195K, pero minus ang charges, interest at penalties, Php18k na lang ang makukuha ng umuutang). Paano kakawala.ang isang titser sa sitwasyon na abot ng ilang taon pero lalong lubog?
Hindi po ba napakasakit na pinili nila ang passion na subsob magturo at mag-ambag sa paglinang ng edukasyon sa lipunan pero nalulubog sa sistema? Gaano na pala ang dagdag sweldo ng gobyerno particular sa Public School Teachers na kinakain ng sistemang ito? So, not surprising to hear na may ilang guro selling tocino, etc for extra income. Saludo sa pagmamahal nila sa passion ng pagtuturo.GOD BLESS po at makita na sana ng mga kinauukulan ang sitwasyon at solusyon sa ‘kanya-kanyang passion-vocation at antas ng income.’ Prayers!