Advertisers

Advertisers

Senador Mark Villar, pinarangalan ang mga natatanging lider-estudyante, kinikilala ang mga nagsipagtapos ng Batch 2026

0 7

Advertisers

Buong pusong kinilala ni Senador Mark A. Villar ang mahalagang papel ng mga kabataan sa paghubog ng bansa matapos niyang parangalan ang mga mag-aaral na nagtapos mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng Mark Villar Leadership Awards. Kinikilala sa parangal na ito ang mga estudyanteng nagpakita ng natatanging pamumuno, pananagutan, at paglilingkod sa kanilang mga paaralan.

Ang mga pinarangalan ngayong taon ay mula sa iba’t ibang pampublikong mataas na paaralan, kabilang ang Baybay City Senior High School, Camarines Sur National High School, Iloilo National High School, Leyte National High School, Masbate National Comprehensive High School, Negros Occidental High School, New Ormoc City National High School, at Ormoc City Senior High School.

Sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay-halaga sa pamumuno at kahusayan sa akademya at iba pang mga tulong sa mga studyante, ay patunay sa matagal nang adbokasiya ni Senador Villar na-taos pusong pagsuporta at pag-tulong sa mga kabataang Pilipino, lalo na ang pagpapalawak ng mga oportunidad para sa susunod na henerasyon.

“Patuloy nating binibigyang-pugay ang sipag, tiyaga, dedikasyon, at pamumuno ng ating mga lider-estudyante na nagtapos ngayong taon. Sila ang magsisilbing haligi ng ating kinabukasan at pag-asa ng bayan,” ani Villar.

Nagbigay pugay rin ang senador sa mga nagsipagtapos na estudyante ngayong taon, at pinuri silang lahat dahil matagumpay nilang nalampasan ang mga hamon sa kanilang pag-aaral at nanatiling matatag sa kanilang hangaring makapagtapos—patunay ng katatagan at pagsusumikap ng kabataang Pilipino.

“Ang tagumpay ng ating mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay patunay ng kanilang lakas ng loob at pagsusumikap. Nararapat lamang na sila ay ating kilalanin, ipagbunyi ang tagumpay, at patuloy na suportahan hanggat sila ay makatapos at maging mga propesyunal,” dagdag pa niya.

Sa huli, ipinaabot ni Villar ang kanyang pagbati sa mga pinarangalan, mga nagtapos, at mga completers, pati na rin sa kanilang mga magulang at guro.