Advertisers

Advertisers

PHILIPPINES VS MEXICO SA MAIN EVENT NG PEC-SUDOKWAN NI CATALAN

0 17

Advertisers

ANG pamosong ribalan ng Pinoy at Mexican fighters na nagmula sa boxing ay umabot na sa larangan ng Sudokwan.

Inanunsiyo ni Asian Games 2006 Doha wushu gold medalist at SEAGames 2x gold medalist Rene Catalan na pinuno ng Catalan Fighting System ,tampok na sa ilalargang Philippine Encuentro Championship( PEC)49 ‘ Search for new Filipino Heroes ang Sudokwan match bilang main event ng higit dalawampung encuentro sa boxing, mixed martial arts, wrestling atbp.

Ang pambato ng Pilipinas na si Adrian Bulado ng Art of Jugler kontra mandirigma ng Mexico na si Ray ‘ Armada Sanchez na eksperto din sa Brazilian jiu-jitsu na dumayo pa ng Houston,Texas bago ang kanyangbiggest sudokwan fight night na gaganapin sa Makati City



” Ngayon lang tayo makakasaksi ng isang tunay na sudokwan encounter bilang main event ng Philippine Encuentro. Don’ t miss it on Feb 28 sa CFS fight venue sa Makati. Pasakalye din ito upang matunghayan ang unique na estilo ng sudokwan na taal na Pilipino ang pinagmulan.”,wika ni Catalan kasabay ng kanyang pasasalamat kay Senator Bong Go sa suporta niya sa hosting ng bansa sa darating na Mayo 2026 kaagapay ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">