Advertisers

Advertisers

BUSTOS BULACAN MAYOR, KALADKAD NI KONSEHAL SA SUGAL? (PART-2)

0 27

Advertisers

DAPAT kumilos si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at paimbestigahan niya ang mga pulitikong iligalista na lumalapastangan sa Presidential Decree 1602 as amended by Republic Act 9287.

Ayon sa sumbong mismong mga halal na opisyal ng Bustos Bulacan ang bumababoy sa PD 1602 at RA 9287.

Sinabi ng mga nagrereklamo na maging ang ibinabang Memorandum Circular No. 2025-082 ni DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia ay walang ngipin bagkus pinagtatawanan lamang ng organisadong sindikato na pinamumunuan ng isang “Konsehal Cruz” na diumanoy kumpareng putik ni Bustos Mayor Francis Albert “Iskul” Juan.

Nagtataka rin ang mga residente ng Bustos sa pagsasawalang Kibo ng alkalde Laban sa pinagpipiyestahang SUGAL tulad ng “color games, beto-bito at drop ball baraha” ng isang Peryahan na matatagpuan mismo sa Poblacion ng Bustos, Bulacan na pag-aari ng Isang konsehal cruz.

Hindi bababa sa 10-mesa ng ‘color games, pulat-puti, drop ball baraha at beto-bito’ ang pinagpipiyestahan gabi-gabi ng mga sugarol at adik na protektado umano ng mga tauhan nina Bustos Chief of Police PCpt Heherson Zambale, Bulacan PNP Provincial Director PCol Angel Garcillano at PRO3 Regional Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr.

Sa kabila ng reklamo nakapagtataka ang pagsasawalang kibu ng DILG Bulacan laban sa pasugalan ni Konsehal Cruz sa kabila ng ibinabang Memorandum Circular No. 2025-082 vs illegal gambling.

Batay sa kwento ng ilang residente ginagamit ng tusong “konsehal” sa kanyang negosyong SUGAL ang pangalan ni Mayor Juan

Tila “press release” lang ng DILG Bulacan Provincial Director ang Memorandum Circular No. 2025-082 para lang may masabi sa media pero ang totoo puro papogi dahil lantad parin ang presensya ng iligal na sugal sa nasabing bayan at lalawigang ng Bulacan.

Habang patuloy na nananahimik ang Bustos LGUs, DILG Bulacan at Bulacan PNP sa salot na sugal na inooperate ng ilang halal na opisyal dadami ang magiging biktima ng kahirapan, bisyo at kriminalidad. Mismo!

Kung totoong may malasakit sa bayan itong sina Mayor Juan, PCpt Zambale, Col Garcillano at Gen Peñones, panahon na para ipakita nila na hindi sila ksabwat sa katahimikan. Period!

May kasunod pa pramis!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com – Lagi ring tumutok sa programang “Balyador” tuwing biyernes 11:00am-12:00noon sa DWXR 101.7 FM at “Walang Personalan Trabaho Lang” tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm sa DWBL 1242 kHz AM band nationwide Mega Manila.