Advertisers
KINILALA si House Majority Leader Kin. Sandro Marcos sa kanyang kasipagan at katapatan sa tungkulin upang maging isang matatag na lider ng Camara de Representantes. Kinilala ng mga kasamang mambabatas ang sikap at punyagi ni Sandro upang isulong ang ilang panukalang batas at kahit ang pag-iwas niya sa mga reklamong impeachment na isinampa laban sa kanyang ama na si BBM.
Unang nagpahayag ng paghanga kay Sandro si Deputy Speaker Paolo P. Ortega V ng La Union na nagsabing masigasig si Sandro upang isulong ang ilang panukalang batas upang pasiglahin ang pambansang ekonomiya. Binigyan kredito ni Ortega si Sandro sa kanyang pagsisikap ng mabigyan ng atensyon ang legislative direction ni Ispiker “Bojie” Dy.
Binigyan ng saysay ni Ortega ang constitutional process of impeachment, habang isinusulong ni Sandro ang ilang makasaysayang panukalang batas upang baguhin ang bansa. “The impeachment process is a constitutional duty that we take seriously, but it is only one of many responsibilities of the House. Amid a packed legislative agenda, House Majority Leader Marcos took the lead in securing the approval of vital measures, acting on the guidance of Speaker Dy. We remained focused on our work – passing priority measures, protecting public welfare and ensuring that the legislative agenda continues to move forward,” ani Ortega, isang lider ng namumunong Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).
Binigyan ng kredito ni Ortega si Sandro sa kanyang dalawang priority bill na naglalayon na palakasin ang accountability sa public office at palakasin ang tourism sector ng bansa. Kasama ang panukalang batas ni Sandro na House Bill 7432, or the “No Work, No Pay for Members of Congress Act.” Ipinanukala ng HB 7432 na ibatay ang suweldo ng mga mambabatas at iba pang biyaya sa kanilang pagdalo at pagtulong sa proseso ng paggawa ng batas sa Kongreso.
Hiningi naman ng HB 7443 na alisin ang travel tax na ipinataw sa mga manlalakbay upang pasiglahin ang paglalakbay at turismo ng mga kababayang Pinoy.
“These measures reflect a strong commitment to public accountability and economic growth. By ensuring that lawmakers are held to clear standards of performance while easing the burden on travelers, Majority Leader Marcos has advanced reforms that benefit both governance and the broader economy,” ani Ortega.
He noted that even as the House processed impeachment complaints in accordance with the Constitution and House rules – a political exercise rooted in accountability and due process – committees and the plenary continued to deliberate on measures affecting energy security, worker protection, public safety and national observances.
Inaprubahan sa pangatlong pagbasa ang HB 6676, o ang panukalang Energy Systems Storage Act na hinahangad ang matatag at tuloy-tuloy na electricity supply sa pamamagitan ng development at commercialization of energy storage systems. Kasamang naaprubahan sa pangatlo at huling pagbasa ang HB 7239 na humihingi na bigyan ng compulsory insurance coverage ang mga electrical at telecommunications line workers.
Naaprubahan rin noong nakaraang linggo HB 7304, na nagproproklama sa unang Lunes ng Agosto kada taon bilang National Line Workers Appreciation Day; HB 7301 na nagdedeklara sa Abril bilang Philippine Veterans’ Month; HB 7303 na idinedeklara ang ika-12 ng Disyembrebre bilang Feast of Our Lady of Guadalupe Day; HB 7368 na nagdedeklra sa ika-30 ng Nobyembre bilang Jesus Reigns National Day of Worship; at HB 7379 ang ika-19 ng Disyembre bilang National Masonic Day.
Sa pangalawang pagbasa, inaprubahan ng Camara ang HB 7565 na nag-oobliga sa proper installation at maintenance of overhead electric distribution and communication lines for public safety, kasama rin ang omnibus approval of several local holiday bills ng Parañaque, Muntinlupa, Dapa in Surigao del Norte, Lapu-Lapu City, Mendez-Nuñez in Cavite, the Cordillera Administrative Region, Rosario at Taysan sa Batangas, at Calamba sa Misamis Occidental.
Ipinasa rin ng Camara ang House Resolution 758 na nagpapahayag ng matinding dalamhati ng Camara sa pagpanaw ni dating Ispiker Jose C. De Venecia Jr., at iba pang resolusyon na kumilala sa mga dating mambabatas na sina Simeon Lucero Kintanar, David Abadiano Ponce de Leon, at Emilio “Milling” Dela Rosa Espinosa Jr.
***
Email:bootsfra@gmail.com