Advertisers

Advertisers

Brgy. captain inireklamo sa Ombudsman sa paglabag sa transparency at accountability

0 20

Advertisers

NAGSAMPA ng reklamo sa Office of the Ombudsman nitong Miyerkoles, Pebrero 25, ang isang businessman at vlogger mula sa Quezon City laban sa kanilang barangay captain sa Kamuning para paimbestigahan sa umano’y paglabag sa ‘Transparency at Accountability’ sa paniningil ng bayad sa paggamit ng basketball court at parking sa Suntay Multi Purpose Hall ng wala kaukulang resibo sa Kamuning Bernardo Park.
Sa ilang pahinang reklamo, nais ng complainant na si Amado J. Domingo 66 anyos at residente ng 47 K-6th Kamuning Silangan, D4, Quezon City, na imbestigahan ng Ombudsman ang kanilang Punong Barangay na si Armida Castel ng Brgy. Kamuning dahil sa paglabag sa transparency at accountability.
Nabatid sa reklamo ni Domingo na nagsimula ang paniningil sa kanilang basketball court taon 2022 hanggang sa kasalukuyan, at nakalagay sa reklamo nito na sinisingil ang bawat oras ng paglalaro sa basketball court ng halagang P1,000.00 kung dayo, at P500.00 kung taga-Kamuning.
Sinabi pa sa reklamo na walang maipakitang listahan kung sino-sino ang gumagamit ng basketball court, wala rin inisyung resibo sa bawat pagbabayad ang nangongolekta na mag-asawa na hindi opisyal ng Barangay, at wala rin maipakitang bank book sa mga nakolektang bayad.
Idinagdag pa ng complainant na ganito din ang nangyari sa parking sa Suntay Hall na P1,000 ang bayad para sa mga sasakyan at P300.00 para sa mga motorsiklo kada buwan. Hindi, aniya, bababa sa 20 sasakyan at motorsiklo ang nakaparada kada buwan.
Nauna nang kinuwestyon ng vlog ng ‘Genuine Batang Kamuning’ at residente sa barangay kungsaan napupunta ang kinikita ng basketball court mula sa sinisingil na kabayaran sa bawat paiskedyul ng palaro, na isang libo (P1,000) kada oras kung dayo at limang daan (P500) para sa residente ng Brgy. Kamuning.
Idinagdag pa sa vlog na mula sa mga dayo na naglalaro kung susumahim ay lalabas na P60,000 a month x 12 buwan, sa isang taon ito ay lalabas na P720,000 times 4 years, na nagsimula 2022, ay aabot sa P2,880,000 ang dapat na kinita ng barangay mula sa pagpapalaro sa gymnasium ng naturang barangay.(Boy Celario)