Advertisers
Ni Anne Venancio
Dumalo ang beteranong aktor at dating politiko na si Edu Manzano sa prayer rally na ginanap sa EDSA Shrine noong Pebrero 22, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ang selebrasyon, na ginanap bago ang mismong anibersaryo noong Pebrero 25, 1986, ay nagmarka sa pagpapatalsik sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr.
Kasama ni Manzano sa pagdalo ang mga personalidad tulad nina Iza Calzado, Dingdong Dantes, Vice Ganda, Dulce, Noel Cabangon, Arman Ferrer, at ang grupong APO Hiking Society. Present din sina Senador Bam Aquino, Chel Diokno, at Perci Cendaña.
Umusbong ang usap-usapan sa social media sa isang larawang kuha habang inaawit ang “Ama Namin,” kung saan makikitang nakataas ang kaliwang kamay ni Manzano habang hawak ng kanang kamay ang isang babae na nakilalang si Ann Cuisia, founder at CEO ng TraXion Tech at anchor ng Peanut Gallery Media Network. Ayon sa ulat, ilang buwan pa lamang ang kanilang relasyon at hindi ito ang unang pagkakataong magkasamang dumalo sa pampublikong okasyon.
Matatandaang bago si Cuisia, huling na-link si Manzano sa aktres na si Cherry Pie Picache.