Advertisers

Advertisers

Kaila maraming natutunan kay Janice

0 11

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa isang vlog, nagbahagi si Janice De Belen ng kanyang karanasan sa pagpapalaki ng kanyang mga anak na babae.

Aniya, masaya’t-magulo raw ang mga sandali noong panahong nakatira pa sa kanya sina Ina, Moira at Kaila bago pa nagsarili ang mga ito.

Sey naman ni Ina, may pagka-nagger daw si Janice pero nasa lugar.

Katunayan, kapag daw naninita ito sa kanila ay parang isang malaking teleserye sa pag-eemote nito.

Hirit naman ni Janice, kung di raw naman niya dradramahan ang mga anak ay hindi siya seseryosohin ng mga ito.

Pagbabahagi pa ng award-winning actress, isa raw sa ikinaiirita niya sa mga anak ay ang pagiging makalat.

Lagi rin daw niyang ipinaalaala sa mga anak na maging budget-conscious tulad ng pagpatay ng ilaw o aircon kung di ginagamit.

Pinayuhan nga raw siya noon ng kapatid na si Gelli na kung maglilinis ay gawin mismo sa harap ng mga anak para raw magdalang-awa ang mga ito sa kanya.

Pagbabalik-tanaw pa niya, noong naglilinis daw siya ng drawer ni Kaila ay dinedma lang siya nito.

Tulad ng ibang magkakapatid, pisikalan din daw ang away ng kanyang mga anak.

Si Kaila raw ay nakipagsabunutan noon sa ate niyang si Ina.

Noong bago raw naman ang computer sa bahay nila ay nag-away sina Moira at Kaila.

Ang ginawa raw niya para disiplinahin ang dalawa ay pinagharap niya at itinali ang magkapatid.

Sey naman ni Kaila, while living on her own, nami-miss daw niya iyong panahong lagi siyang pumupunta sa kuwarto ng ina sa bahay nito para kausapin.

Marami rin daw siyang natutunan sa pagsasarili tulad ng pagiging masinop sa mga gawaing bahay dahil wala naman siyang ibang aasahan.