Advertisers

Advertisers

Daig tayo ng Kiwis!

0 10

Advertisers

Olat noong Huwebes sa MOA Arena ang Gilas sa New Zealand, 66-69. Mas matatangkad ang Kiwis kaya hirap ang ating pambansang koponan. Wala si Kai Sotto at limitado mga minuto ni Junemar Fajardo nguni’t maganda laro sa depensa ni AJ Edu. Kaso non-existent ating inside play

Sobra higpit ang bantay kay Justine Brownlee kaya nakaapat na puntos lang. Malas din tayo sa mga binitiwang mga tres.

Huling W ng mga Pinoy kontra Tall Blacks ay taong 2024 pa. Dahil sa talo ay nawala ang automatic seat natin sa 2nd round ng torneo.

Naging mahalaga ang game dahil kasabay ito ng ika-60 na ugnayan ng dalawang bansa. Bilang bahagi ng selebrasyon ay nagpalitan ng mga jersey ang magkabilang kampo.

Bukas mas mabigat ang kalaban. Australia na hari ng rehiyon.

Ayon sa ating ibong pipit ay hindi na matutuloy ang laban sa Abril ni Manny Pacquiao. Naka-sked sana ang pambansang kamao vs Ruslan Provodnikov sa Las Vegas.

Ang sigurado raw ay yung Floyd Mayweather- Pacquiao 2 sa Septiembre.

Aba mas malaking pera yan para kay Manny at sa buong Team Pacquiao.

May nagsasabi pa na sa rematch ay ang asawa ni Jinkee ang magwawagi. Hindi pa raw kasi ito natatalo sa return bout. Hayun maglakaroon pa raw ng Part 3 para kumpleto ang trilogy.

***

Numero 31 na si Alex Eala sa latest WTA ranking. Mas mataas pa ito ng isa sa ating prediksyon na No. 32.

Talagang deserving naman ang ating tennis sensation. Mabuhay ka kabayan!

***

43,029 na ang kabuang puntos ni LeBron James sa regular season ng NBA.

Yan ay mahigit sa 4k total points ng pangalawang si Kareem Abdul Jabbar na retirado na.

Kaya mahihirapan na talaga may makapantay man sa rekord na ito ni King James. Lalo’t naglalaro pa rin siya ngayon at malamang ng isang season pa.