Aktres napuno na, pinagsigawan sa mga kritiko ni Joaquin… ‘YUNG PERA KO HINDI GALING SA NAKAW — ANGEL
Advertisers
Ni Beth Gelena
Denepensahan ni Angel Locsin ang kanyang stepson na si Joaquin Arce hinggil sa binabato ng netizens kay Joaquin na nakapasok sa Magic 8 sa PBB Celebrity Collab 2.0.
Sa kanyang X account, muling nagpost ang aktres sa pagtawag ng mga netizen sa kanyang stepson na si Joaquin Arce, anak ng mister niyang si Neil Arce, bilang “nepo baby.”
Hindi na nakapagtimpi si Angel na madalang ngayong gumamit ng kanyang social media.
Diretsahang sabi ni Angel sa sa mga malisyosong netizen, “YUNG PERA KO HINDI GALING SA NAKAW”
Ilang bashers kasi ang walang tigil sa pagsasabing hindi raw karapat-dapat si Joaquin sa Ultimate8 dahil lamang sa pagkakaroon ng magulang kagaya nina Angel at Neil.
Pakli ng aktres, “Ano namang kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad nya para ma-brand sya as nepo baby? Para namang hindi ako nag dyip o bus papuntang tapings ko dati. Kalevel ko pala si Discaya? Lol. Pero yung pera ko hindi galing sa nakaw.”
Ipinagtanggol niya ang kasipagan ni Joaquin, at sinabing mas pinili nitong mag-audition para sa PBB kaysa humingi sa kanya ng proyekto.
Binatikos ni Angel ang mga kritiko, at sinabihan silang huwag maging “bitter” dahil hindi ito nakakatulong sa kanilang buhay.
Sambit pa niya, “Bihira lang akong mag-social media ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao dito.”
Kinuwestiyon niya kung bakit minamaliit ng mga ito si Joaquin dahil lang sa kung sino ang mga magulang nito.
Nilinaw din ng aktres na kahit may mga koneksyon si Joaquin, pinili niya ang mahirap na landas para makapasok sa industriya. Inihayag niya na sa halip na gamitin ang impluwensya nito para lumaktaw sa linya, nagpasya itong harapin ang mahigpit na proseso ng audition para sa reality show. “Puwede sana akong hingin ng proyekto ng anak ko, pero ang hinihiling niya ay mag-audition sa PBB,” paliwanag niya. Inamin din ng aktres na isa siyang all-out supporter, at isiniwalat na personal na siyang nakapag-ambag ng 12,000 boto para sa kanya sa ngayon.
Pabiro pa siyang nagbanta na magdadagdag pa para lang mainis ang mga “bashers.” “Yung 12k na boto ko kay Joaquin sa buong journey niya, baka dagdagan ko ma-asar ko lang yung ibang makagawa ng issue,” pakli pa ng misis ni Neil.
Nagbigay pa siya ng advice sa mga kritiko, “Wag bitter. Nakakapangit yan.”
Sey nga ng isa sa supporter ni Joaquin: “Joaquin worked hard for his slot. Napakagenuine, humble, caring, positive outlook, kapag may bisita siya lagi nagaasikaso, palaban din sa task, laging natingin sa taas for guidance amd grace. Support niyo ung bet nyo without invalidating Wakin’s effort to be part of Ultimate 8. Yung passion and eagerness nyang manalo, ramdam na ramdam kesa sa iba na gusto na lumabas. Kaya let’s be kind. Deserve niya manalo gaya ng mga idols niyo.”
Hirit pa ng isang fan: “Arn Palencia 100% agree Joaquin deserve at ultimate 8 .. all effort sa lht ng task nya sa Bahay ni kua.. hnda nga sya sa marumihang laro bsta maipanalo lng nya team nya .. yan Yung nagpakatotoo at my malasakit sa kapwa housemate nya hnda nya Gawin lht pra sa grupo .. dun pa lng sa task ni kua na sino #6 sya MISMO nag lagay ng Sarili nya dhil alm nya sa Sarili nya na mahina pndinig nya dun pa lng sa sinabi nya sa house mate na bingi sya Diba ISA YAN SA PAG PAPAKATOTOO niya ..”
“I loved how joaquin every word he says pierces straight through the heart. You don’t just hear him—you feel him. There’s no trace of humor, no mask, no pretense. Every sentence is raw, unfiltered, and painfully pure.”
Ganyan talaga ang mga taong may inggit sa katawan…
Tama lang na ishout out ni Angel na ang ginagamit niya para makatulong sa kanyang stepson ay sa mismong bulsa niya nanggagaling.
Kung yung ibang tao nga na hindi niya kaano-ano tinutulungan niya, what more pa si Joaquin na hindi naman ibang tao sa kanya.
Hay naku, yung mga inggit kasi pumikit na lang yan tuloy nakapagbitaw pa siya ng salita na dadagdagan pa niya ang boto kay Joaquin, para lang asarin kayo.
Kayo kasi e, ginalit ninyo si DARNA!!! Huh!!!