Advertisers
ANG mga Pilipinong gymnasts na sina Karl Eldrew Yulo at Ivan Cruz ay sasabak sa World Cup Baku leg Milli Gimnastika Arensi sa Azerbaijan, kung saan gaganapin ang torneo mula Marso 5-8.
Inanunsyo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) ang balita sa social media nitong Linggo.
“The World Cup rush has begun,” sulat ng GAP.
“Our SEA Games Gold Medalist and Junior World Bronze medalist, now Senior gymnast, is up to face the MAG Team’s first world cup for 2026 in Baku, Azerbaijan. Wishing the best of luck to John Ivan Cruz and Karl Jahrel Eldrew Yulo as they compete against the world’s top individual apparatus gymnasts.”
Si Yulo, na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan noong Enero, sa wakas ay gagawa ng kanyang pag-debut sa seniors sa bahaging ito ng World Cup.
Ang nakababatang kapatid ng 2-time Olympic champion na si Carlos ay huling nakipagkompetensya sa FIG Junior World Championships na ginanap dito sa Maynila noong nakaraang Nobyembre.
Nakuha ni Eldrew ang bronze medal sa floor exercise at horizontal bar upang tapusin ang kanyang kampanya bilang junior.
Samantala, huling nakipagkumpetensya si Cruz sa ika-33 na Palarong Timog-Silangang Asya sa Thailand kung saan siya ay nakakuha ng gintong me-dalya sa vault apparatus.
Itinaas ni Cruz ang kanyang personal SEA Games gold haul sa da-lawa matapos magwagi sa floor excercise kumpetisyon sa 2023 edition sa Cambodia.