Advertisers

Advertisers

CALOOCAN CITY HALL, NAGLIWANAG SA UBE BILANG PAGPUPUGAY SA BUWAN NG KABABAIHAN

0 5

Advertisers

I

Nagliliwanag sa matingkad na kulay ube ang harapan ng Caloocan City Hall – South bilang pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.

Sumisimbolo ang makulay na ilaw ng pagkakaisa, pagbibigay-kapangyarihan, at pagkilala sa mahalagang ambag ng mga kababaihan sa Caloocan at sa buong bansa. Sa pamamagitan ng makabuluhang hakbang na ito ni Caloocan Mayor Along Malapitan muling pinagtitibay ng pamahalaang lungsod ang pangako nito na isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at suportahan ang mga programang nagtataguyod at nagpoprotekta sa karapatan ng kababaihan sa komunidad.



Ngayong Marso, nagkakaisa ang Caloocan sa pagpupugay sa lakas, tatag, at tagumpay ng bawat babae.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">