Advertisers
Ni Anne Venancio
Ibinahagi ni Ellen Adarna ang mga larawan at video mula sa kanilang limang araw na bakasyon sa Amanpulo Resort kasama ang kanyang mga anak na sina Elias at Lili, pati na rin ang dating kasintahan niyang si John Lloyd Cruz at ang kasalukuyang gf nito na si Isabel Santos.
Makikita sa mga larawan ang masayang bonding moments, tulad ng paglalaro ng mga bata sa bonfire sa tabing-dagat at scuba diving ni Elias kasama ang mga pawikan. Sa Instagram post, isinulat ni Ellen: “The vacation we all needed. Cleansed by the sea and blood moon and far away from all the noise of the world ??.” Tampok din ang mag-amang John Lloyd at Elias sa tennis match at isang family snapshot kasama si Isabel.
Ayon kay Ellen, biglaan ang plano ng bakasyon, isang araw lamang silang inanyayahan. Sa comment section, nagbiro si Isabel: “one day notice ?? lahat nagulat!” at sinagot ni Ellen sa parehong tono.
Marami ang pumuri sa maayos na co-parenting nina Ellen at John Lloyd. Ipinahayag ni Ellen na nananatiling supportive at present si John Lloyd sa buhay ni Elias, na nagpapakita ng matibay at maayos na relasyon sa loob ng kanilang blended family.