Advertisers
Ni Anne Venancio
BIBIDA sina Fyang Smith at JM Ibarra sa pelikulang ‘Almost Us’ ng Regal Entertainment, na ipalalabas sa May 6 sa direksyon ng award-winning director na si Dan Villegas.
Aminado si Fyang na hanga siya sa maturity at pagiging maasikaso ni JM, lalo na sa paraan ng kanyang pag-aalaga sa pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay.
Sey ng aktres, hands-on si JM sa kanyang mga proyekto at dedicated sa bawat detalye ng trabaho, na labis niyang na-appreciate.
Aminado naman si Fyang na mayroong silang special connection ni JM.
“Sobrang siya yung unang tao na nakilala ko na grabe magpa-feel ng love, aside sa family ko. Kahit yung mga imposibleng bagay, gagawin niyang posible para sa tao na yun,” deklara nito.
Muling susubukin ang lakas ng tambalan ng JMFyang matapos ang kanilang pagbibida sa MMFF 2025 entry na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins. Pagkatapos ng horror anthology na ito, magpapakita naman sila ng mas personal at intimate na kwento sa kanilang unang solo film na Almost Us na ipalalabas sa Mayo 6, 2026.