Advertisers

Advertisers

Geneva Cruz grumadweyt sa kolehiyo sa edad 50

0 25

Advertisers

Ni Anne Venancio



Nakapagtapos na sa kolehiyo si Geneva Cruz sa edad na 50. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang larawan sa graduation toga mula sa Philippine Christian University (PCU) at ani, “Thirty-three years in the making, but I finally did it! Look, ma, I’m now a college graduate!!!”

Iniaalay ni Geneva ang pagtatapos sa kanyang 19-anyos na sarili, na kinailangang magtrabaho nang husto matapos maging batang ina, bilang pagkilala sa tapang at dedikasyon sa buhay at sa pamilya. Noong Agosto 2024, ibinahagi niya na bumalik siya sa kolehiyo upang makumpleto ang kanyang degree. Ani niya, “Life had a different plan for me, and that’s to become a mother first. I have no regrets because I have a son.”



Ayon kay Geneva, ang karanasan bilang ina ang naging inspirasyon niya upang seryosohin ang pag-aaral at maging magandang halimbawa sa kanyang mga anak na sina Heaven Arespacochaga at London Cruz.

Humanga naman ang kanyang mga fans sa kanyang determinasyon at paniniwala na walang hangganan ang pag-aaral.