Advertisers

Advertisers

Joseph Bitangcol dinenay na gumagamit ng droga ang ex-gf na si Sandara Park

0 14

Advertisers

Ni Anne Venancio

Pinabulaanan ng aktor na si Joseph Bitangcol ang kumakalat na isyu laban sa kanyang ex-girlfriend na si Sandara Park kaugnay ng umano’y paggamit nito ng ilegal na droga, kasunod ng naging pahayag ni Park Bom na tila idinadawit ang aktres sa isang “drug controversy.”

Sa panayam sa aktor sa taping ng finale ng Sing Galing, iginiit niyang imposibleng masangkot sa ganitong isyu si Sandara.

Aniya, kilala niya ang aktres na naka-focus lang sa kanyang pamilya at trabaho, at hindi umano ito ang tipo na gagawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng batas.

Hindi raw ito tugma sa personalidad ni Sandara kaya’t hindi dapat agad paniwalaan ang mga impormasyong walang sapat na batayan.

Matatandaang naging malapit ang dalawa matapos magsama sa Star Circle Quest noong 2004. Naghiwalay lamang sila nang magpasya si Sandara na bumalik sa South Korea upang ipagpatuloy ang kanyang karera.