Advertisers
Inilunsad sa Pasay City ang P20/kilo premium rice program.
Layunin nitong makatulong sa mga residente sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA) at kadiwa ng pangulo kasama ang Lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano. Tiniyak ang sapat at abot-kayang suplay ng bigas.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang ceremonial launch at distribusyon na isinagawa sa Cuneta Astrodome, Pasay city nitong Lunes.
Isang hakbang ito para sa mas magaan na buhay ng bawat pamilyang Pasayeño.(LP)