Advertisers
Huli sa akto ang 903 mga pasaway sa iba’t -ibang bayan at lungsod ng Rizal PNP sa lalawigan ng Rizal.
Ayon kay Rizal PNP Provincial director P/Col. Atty. Eleazar Barber Jr., alinsunod ito sa direktiba ni DILG Secretary Jonvic Remulla na paigtingin ang lokal na ordinansa tulad ng pagbabawal ng pag-inom ng alak sa mga lansangan, pag-vioke na di lalagpas sa ika-10 ng gabi.
Gayun din ang paglalabas sa kalye ng nakahubad at ang mahigit na direktibang curfew para sa mga menor de edad.
Dagdag ni Rizal PNP Public Information Office Chief P/Capt. Tricar Valena ito ang simultaneous na pagpapatupad ng “Safe City Initiative at Anti-Criminality Campaign” Abril8, 2026 sa inisyatiba ng Rizal PNP Command.
Sa operasyon na isinagawa ng labing (13) Chief of Police at isang City Chief of Police, marami sa mga pasaway na lasenggero ang huli sa akto.
Naglatag din n mga checkpoint, police vecibility patrol at inspeksyon sa mga matataong lugar.
Layunin ng presensya ng mga awtoridad bilang deterrent sa mga lawless element’s katuwang ang barangay at force multipliers. (Edwin Moreno)