Advertisers
Nasabat ng mga operatiba ng San Rafael pulis ang tinatayang Php 915,000 halaga ng smuggled at counterfeit sigarilyo sa isinagawang Frog Leap Oplan Sita sa Brgy. Pinac-pinacan, San Rafael, ng Abril 8, 2026 bandang 5:15 ng madaling araw.
Sa report ni PLt.Col.Protom Guevarra, kay OIC PNP Provincial Dir. PCol.Jay B.Baybayan kinilala ang inarestong driver ng van na si Alyas Berto, 48-anyos, ng Hen.T De Leon Valenzuela City.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis sa OPLAN SITA una ng naharang ang isang Toyota Hi Ace van na may plakang NDV-3958,
Sa isinagawang inspeksyon, nakita ng mga pulis ang mga kahon ng sigarilyo sa loob ng sasakyan na wala umanong kaukulang permit at dokumento.
Nasamsam mula sa suspek ang animnapu’t isang (61) kahon ng iba’t-ibang brand ng sigarilyo.
Nabatid na dadalhin sana ang mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Batangas.
Samantala kasong paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), Republic Act 10643 (Graphic Health Warning Law), Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines), at National Internal Revenue Code of 1997 ang isasampa laban sa driver ng Van.(Thony D. Arcenal)