Advertisers

Advertisers

FANS NINA JM AT FYANG NAKAKABILIB!

0 3

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Bibihira na yata na ang may malaking kontribusyon para sa pagkain sa isang event ay galing sa mga fans kaya naman marami ang humanga sa mga fans nina JM Ibarra at Fyang Smith dahil ito ang ginawa nila para sa grand mediacon ng pelikula ng kanilang mga idolo, ang “Almost Us” ng Regal Entertainment, as in andaming masasarap na pagkain!

Kung ganito kasi ang suporta sa isang proyekto at mga artista nito, hindi na kagulat-gulat kung kikita ito ng malaki kapag ipinalabas na sa mga sinehan; ang JM/Fyang film ay nasa mga sinehan na sa May 6.

Kahit ang Regal mismo, may hakbang upang masiguro na maraming-marami ang makakapanood nito sa mga sinehan.

Ginagawan ng paraan ng Regal na mapababa ang presyo ng ticket.

Saad ni Keith Monteverde ng Regal, “Ever since in the beginning, myself, my mom and others have been in constant conversation with the theaters, the cinema exhibitors. Trying to find ways to make it more affordable, so we have to make affordable pricing… we will announce more of that soon.”

Inamin rin ni Roselle Monteverde ng Regal na nag-aalala sila sa sitwasyon ng movie industry, pero tuloy pa rin daw sila sa paggawa ng pelikula. ?

“Of course, we worry about what’s gonna happen. Who’s not, di ba?

“But then, yeah, we’re committed. We’re committed na talaga. Actually, patapos na rin yung pangalawang pelikula.

“So, we’re hoping na, as what Keith said talaga, na to lower the ticket price, to give them a chance through the crisis that’s happening right now.

“Para naman, in a way, na mapasaya pa rin natin yung mga tao.

“There’s a way for them na even a little time to feel something that there’s a way to escape from what’s happening.

“Kasi even me, I’m affected,” pahayag ni Roselle.

Sa direksyon ni Dan Villegas may special participation si Dustin Yu sa “Almost Us” kung saan mapapanood rin sina Yukii Takahashi, Sam Samarita, JM Salvado, Baus Rufo, Che Ramos, at Lotlot Bustamante.

Going back sa mga fans nina Fyang at JM, bilang suporta pa rin nila sa pelikula ay marami na, ang ngayon pa lamang, ay nagpapa-schedule na ng block screenings.