Advertisers

Advertisers

Polo Ravales binalikan ang naging karanasan kay Dingdong Dantes

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Binalikan ng aktor na si Polo Ravales ang kanyang mga unang taon sa showbiz sa interbyu sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ noong Abril 21.

Ibinahagi ni Polo ang masasayang alaala niya sa youth-oriented show na T.G.I.S., kung saan nakasama niya ang ilan sa mga naging kaibigan niya sa industriya, kabilang si Dingdong Dantes.

Ayon sa aktor, itinuturing niyang isa sa pinaka-memorable na yugto ng kanyang career ang panahong iyon dahil magaan at parang barkadahan lamang ang kanilang samahan sa set.

Ani Polo, “Parang naglalaro lang kami noon. Kasama ko si Dingdong Dantes. Lahat kami magkakaibigan, talagang lumalabas kami at nagkakasiyahan pagkatapos ng trabaho.”

Inamin din nito na si Dingdong mismo ang nagturo sa kanya magmaneho.

Bukod sa T.G.I.S., nakilala rin si Polo sa iba pang proyekto tulad ng Anna Karenina at Encantadia.