Advertisers

Advertisers

Alokasyon ng cash gift sa mga senior citizens tiniyak ng PSA

0 8

Advertisers

PARA matiyak na sa tamang benepisyaryo mapupunta ang tulong pinansyal ng gobyerno, puspusan ngayon ang hakbang ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagbusisi sa birth records ng mga senior citizen sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng ahensya nitong Abril 20, 2026, matagumpay na nilang naproseso ang nasa 29,546 na aplikasyon na sumailalim sa kanilang verification process.

Ang nasabing hakbang ay direktang nakapaloob sa implementasyon ng Republic Act No. 11982, isang batas na nag-uutos na mabigyan ng cash gift ang mga Pilipinong aabot sa edad na 80, 85, 90, at 95 anyos.



Binigyang-diin ni PSA Undersecretary at National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis S. Mapa na layunin ng mas pinaigting na beripikasyon na maiwasan ang anumang iregularidad o anomalya sa pamamahagi ng pondo, at matiyak na lehitimo ang mga nakalista sa programa.

Siniguro rin ng opisyal na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang hanay sa iba’t ibang lokal na pamahalaan. Ito ay upang mas mapabilis ang transaksyon at mailapit ang mga serbisyo sa mga nakatatanda na hirap nang bumiyahe.



Kasabay nito, nanawagan ang PSA sa mga kwalipikadong aplikante at sa kanilang mga pamilya na patuloy na makipagtulungan sa isinasagawang beripikasyon upang hindi maantala ang pagpapalabas ng kanilang mga benepisyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">