Advertisers

Advertisers

Nag-enjoy Ako sa Programang DISKUSYON

0 15

Advertisers

Ni Oggie Medina

Kamakailan lamang ay naging panauhin ako nina Ms. Rowena Madumma at Ms. Mona Dagsaan sa programang “Diskusyon”, isang news and public affairs program mula Lunes Hanggang Biyernes, 2 pm hanggang 3 pm., sa NET 25 Radyo Agila DZEC 1062.

Nakaukit pa rin sa aking isipan ang mga tanong hinggil sa Sining ng Pamamahayag (The Journalist’s Craft).

Sa larangan ng internasyonal na karera ay tinanong nila ako: “Bilang isang mamamahayag…, ano ang pinakamalaking pagkakaiba sa pag-uulat para sa mga dayuhan kumpara sa lokal na mambabasa, lalo na pagdating sa mga isyung Pilipino?”

Sumunod ay ang tanong ukol sa halaga ng pakikipanayam: “Nakapanayam ninyo ang napakaraming diplomatiko at opisyal ng gobyerno. Ano ang sikreto ninyo sa pagkuha ng tiwala ng inyong mga source upang makakuha ng impormasyong may lalim at saysay?”

Sa journalism at academia, ito ang naging tanong nila: “Paano nakakatulong ang inyong pagiging isang akademiko at Doktor sa Business Administration sa inyong pagsusuri sa mga balita at sa pagtuturo ninyo sa mga susunod na henerasyon ng mga mamamahayag?” Sa pangaral sa mga baguhan: “Sa gitna ng paglaganap ng fake news at A-I sa media ngayong 2026, ano ang nananatiling pinakaimportanteng sandata ng isang tunay na mamamahayag?”

Naging mas malalim ang aming naging mga talakayan hinggil sa sitwasyon sa Pilipinas at sa usaping pangkapayapaan.

Sa usaping “stalled talks” at digmaan ay tinanong nila sa akin: “Sa gitna ng mga naudlot na usaping pangkapayapaan (stalled peace talks) at ang tensyon sa ating rehiyon, ano sa tingin ninyo ang tungkulin ng media? Dapat ba tayong maging tulay para sa usapan, o tagapag-ulat lamang ng mga nagaganap sa bakbakan?

Mas mainam kung pareho. Napag-usapan din namin ang tungkol sa peace journalism.

Hinggil naman sa geopolitika at sa U.S. Ambassador: “Kamakailan ay nakasalamuha ninyo si Ambassador MaryKay Loss Carlson. Sa inyong pananaw, gaano kalaki ang papel ng relasyong Pilipinas-U.S. sa pagpapanatili ng katatagan natin sa gitna ng banta ng digmaan?”

Ukol naman sa ekonomiya sa gitna ng krisis: “Dahil sa inyong background bilang economic correspondent, paano direktang naaapektuhan ng mga tensyong ito at ng hindi pagkakaunawaan sa usapang pangkapayapaan ang bulsa ng ordinaryong Pilipino?” Hinggil sa legacy at sa kasalukuyang panahon ay ito ang kanilang naging katanungan sa akin: “Nabanggit ninyo kamakailan ang legasiya ni Corazon Aquino. Sa kasalukuyang liderato at sa mga hamon na kinakaharap ng bansa ngayon, anong mga aral mula sa kasaysayan ang dapat nating balikan upang hindi tayo muling mabulid sa gulo?”

Hindi rin nila nakaligtaang tanungin ako ukol sa pagkilala at karangalan bilang Lifetime Achievement awardee ng Philippines Finest Business Awards and Outstanding Achievers (salamat sa La Visual Corp. at Sirbisu Channel).

Ang kanilang huling tanong ay: “Noong 2025 at 2026, tumanggap kayo ng mga parangal para sa Lifetime Achievement sa pamamahayag. Kung tatanungin kayo, ano ang isang istorya o artikulo na isinulat ninyo na sa tingin ninyo ay nag-iwan ng pinakamalaking marka sa lipunan?

Ang sagot ko ay iyong mga invincible workers at mga taong nasa laylayan ng ating lipunan.