Advertisers

Advertisers

P50K basic salary para sa mga guro isinulong sa Kamara

0 8

Advertisers

INIHAIN ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na itaas sa P50,000 basic salary para sa mga guro sa pribadong paaralan at sa mga state universities and colleges na sa ngayon ay nasa P33,947 lang.

Pinangunaan ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang paghahain ng House Bills 8968 at 8969.

Ayon kay Tinio, layunin ng pagtaas sa sweldo ng mga guro na mabigyan sila ng desente at may dignidad na buhay.



Dagdag pa ni Tinio, alinsunod din ang panukala sa itinakda ng Konstitusyon na iprayoridad ang edukasyon para maitaguyod ang karapatan ng mamamayan sa de kalidad na edukasyon.

Kaakibat nito ang pangangalaga ng gobyerno sa kapakanan ng mga guro.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">