Advertisers

Advertisers

Malawakang kilusan nagdeklara ng suporta kina Sara Duterte at Chavit Singson para sa 2028 halalan… SARA–CHAVIT 2028 CARAVAN, OPISYAL NA INILUNSAD

0 7

Advertisers

Inilunsad ang “SARA–CHAVIT 2028 Nationwide Movement Caravan” sa isang pagtitipon na dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga organisasyon, religious groups, at mga karaniwang mamamayan. Layunin ng kilusan na ipahayag ang nagkakaisang suporta para kina Sara Duterte bilang pangulo at Chavit Singson bilang bise presidente sa darating na 2028 National and Local Elections.

Sa kanilang opening statement, binigyang-diin ng grupo na si Duterte ay may matibay na paninindigan, malasakit sa taumbayan, at napatunayang kakayahan sa pamamahala mula sa kanyang karanasan bilang lokal na opisyal hanggang sa pagiging Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ayon pa sa grupo, naniniwala silang maipagpapatuloy sa ilalim ng pamumuno ni Duterte ang mga programang magpapaunlad sa ekonomiya, magpapatibay ng kapayapaan at kaayusan, at magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa mga Pilipino.

Samantala, inilarawan naman si Singson bilang isang lider na may “word of honor” at maaasahang katuwang sa pamumuno. Binanggit din ang kanyang karanasan bilang dating gobernador ng Ilocos Sur, kung saan umano’y umunlad ang nasabing probinsya sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Binalikan din ng grupo ang isinagawa nilang press conference noong Mayo 30, 2025, kung saan ilang dating loyalista ang nagpahayag ng pag-withdraw ng suporta kay Bongbong Marcos at paglipat ng suporta kay Duterte.

Sa pagtatapos ng programa, nanawagan ang kilusan sa publiko na magkaisa at suportahan ang tambalang Duterte–Singson sa halalan 2028, na kanilang inilalarawan bilang “panahon ng matibay na tandem” para sa kinabukasan ng bansa.