Advertisers

Advertisers

Forbes Park mansion ‘bagsakan at imbakan ng pera’…ABOGADO ‘DUMMY’ NI ROMUALDEZ

0 4

Advertisers

NATUKLASAN ng Office of the Ombudsman sa financial records ng abogadong si Jose Raulito Paras na umaktong dummy ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagbili ng Forbes Park mansion na umano’y ginagamit na “bagsakan at imbakan ng pera,” ng kickbacks mula sa flood control scam.

Si Paras, fraternity brother ni Ronualdez sa Upsilon Sigma Phi, ay pinangalangang co-accused ng money laundering sa complaint-affidavit na isinampa nitong nakaraang buwan ng special panel ng Ombudsman prosecutors.

“The records point to no other conclusion that Romualdez, through Paras, used the proceeds of the aforementioned unlawful activities to purchase 30 Tamarind,” sabi ng prosecutors.



Ang kaso ay sumasalalay sa financial at corporate ties sa pagitan nina Romualdez at Paras, na kita rin sa mga dokumento mula sa Golden Pheasant Holdings Corp., ang nilalang na nakakuha ng property sa kahabaan ng 30 Tamarind Street sa Forbes Park, Makati mula sa shipping magnate n si Doris Magsaysay-Ho sa halagang P1.665 billion.

Pagmamay-ari ni Paras ang 99.99 percent ng share ng Golden Pheasant. Pero sa financial statements nito ay iba ang sinasabi. Noong 2023, inulat ng firm na wala itong operating revenue, wakang galaw sa equity, at mayroong net loss na P947,092. Sa kabila nito, nagdeklara ito ng assets na P1.84 billion sa unang taon ng incorporation, kabilang ang 30 Tamarind property.



Sinabi ng kompanya ang pagkuha ay pinondohan sa pamamagitan ng “advances from shareholders” na may kabuuang P1.66 billion.

Sumunod na taon 2024, inulat uli ng Golden Pheasant na wala itong operating revenue at nagkaroon uli ng net loss na P559,911, at may “advances from shareholders” na umakyat sa P1.87 billion. Bago matapos ang taon, inulat nito ang kabuuang real estate assets ng P2.01 billion—sa kabila ng walang discernible income-generating operations.



Sa pag-review sa tax records ni Paras, nakita na wala itong financial capacity para pondohan ang ganun kalaking halaga. Hindi siya nag-file ng income tax returns ng 2019 at 2022, ag nadeklara lamang ng P2.7 million na kita noong 2023 at P12.9 million noong 2024.

Natuklasan ng prosecutors na noong marso 2023, binili ng Golden Pheasant ang Tamarind property na gumamit ng manager’s checks mula sa Samchan Foreign Exchange Corp. Binanggit ang confidential financial information, sinabi nilang ang Samchan ay inilipat ang pondo kay Romualdez, sa Golden Pheasant, at kay Paras sa magkahiwalay na okasyon.

“Given the foregoing, there exists a marked disparity between (a) the scale and value of the assets acquired and held by Golden Pheasant, as well as the recorded source of funding therefor; and (b) the declared financial capacity of its principal shareholder, Paras,” saad ng prosecutors.

Sinilip din nila ang matagal nang relasyon sa pagitan nina Paras at Romualdez, sinabing si Paras ay nagsilbing direktor ng Benguet Corp., isang kompanya na iniugnay sa dating Speaker.

Si Paras ay natukoy bilang individual na naglipat ng $2 million sa Harvard University, isang donasyon na pinangalan kay Romualdez sa nakaraang mga ulat.

“Accordingly, Romualdez and Paras not only transacted, transferred, converted, acquired, and used monetary instruments representing proceeds of the aforementioned unlawful activities, but likewise employed corporate layering and nominee arrangements to conceal their true nature, source, and ownership,” diin ng prosecutors. Mula sa Politiko.com.ph