Advertisers
NASAWI ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro laban sa 15th Infantry Battalion (IB) sa Barangay Abaca, Cauayan, Negros Occidental nitong Sabado, Mayo 16.
Ayon kay Brigadier General Jason Jumawan ng 302nd Infantry Brigade, nagpaputok ang mga rebelde nang rumesponde ang mga sundalo sa ulat ng presensya ng armadong grupo, na nauwi sa palitan ng putok.
Walang nasugatan sa pa-nig ng gobyerno, habang pa-tuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.
Ilanng high-powered firearms ang narekober sa lugar ng bakbakan.
Ayon kay Jumawan, posibleng mga natitirang miyembro ng dismantled South West Front na sangkot sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang impormante ng pamahalaan sa Cauayan, Sipalay City, at Kabankalan City, ang kanilang nadale.
Tinatayang nasa 26 katao na ang napatay mula Pebrero ng taon kaugnay ng mga insidenteng ito.
Ito na ang ikalawang eng-kuwentro ng 15th IB sa NPA sa Cauayan ngayong buwan. Ang unang sagupaan ay Abril sa Barangay Salamanca, Toboso kungsaan 19 NPA rebels ang napatay.
Samantala, nagsagawa ng rally ang ilang residente ng Barangay Salamanca upang kondenahin ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Ayon sa 3rd Infantry Division, ang pagtitipon ay simbolo ng pagtutol sa karahasang dulot ng armadong grupo at panawagan para sa hustisya ng mga sibilyang biktima sa Negros Island.