Advertisers

Advertisers

SUNOG SA NAVOTAS HINDI KASALANAN NG SMC

0 2,301

Advertisers

WALANG kinalaman ang higanteng San Miguel Corp. sa sunog kamakailan sa Navotas City landfill. Nagbunga ito ng makapal na usok na ikinagalit ng mga mamamayan sa karatig lugar dahil sa panganib sa kalusugan.

Petsa ika-10 ng Abril, sumiklab ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill Facility (NSLF) sa Barangay Tanza sa Navotas City. Tumagal ang sunog hindi lang ilang oras kundi araw hanggang naapula ito sa pagtutulungan ng mga puwersang pamatay sunog ng iba’t-ibang siyudad ng Metro Manila at Bulacan at Navotas local government.

Hanggang ngayon, ibinibintang ang sunog at epekto nito, lalo na ang makapal na usok at dalang lason sa hangin, sa San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) at Ramon S. Ang, ang tumatayong chair. Hindi maalis na pagtawanan dahil noong Pebrero lang ng taong ito, o apat na buwan ang nakalipas, nang kunin ng SMAI ang kontrol sa 41-ektarya landfill.

Sa nakalipas ng 20 taon, pinatakbo ang landfill ng Philippine Ecology Systems Corporation (Phileco), isang kompanya na pag-aari RMR Capital Inc.. Ang kontrobersyal na mangangalakal na si Dr. Reghis M. Romero II ang nagpatakbo ng landfill. Hindi makatarungan na ibintang ang sunog sa kompanya na pag-aari ng SMC.

Pagkatapos patakbuhin ng kompanya ni Romero ng 20 taon ang landfill, kinuha ng gobyerno ang 41 ektaryang lupa at ibinigay sa SMAI. Walang karanasan sa pagkolekta ng basura ang alinman sa mga kompanya ng SMC. Hindi nila negosyo ang basura at naka-focus sila sa pagkain.

May poder ang gobyerno na kunin ang lupa sa ilalim ng tinawag na “power of eminent domain,” o kapangyarihan ng estado na kunin at bayaran ang alinmang pag-aari upang magamit sa kabutihan ng madla. Bahagi ang lupa sa P734 bilyon New Manila International Airport at San Miguel Aerocity na tinatapos gawin ng San Miguel Corp. sa bayan ng Bulakan sa lalawigan ng Bulacan. Sakop ang mga barangay sa baybayin ng Taliptip at Bambang.

Binigyan noong Setyembre, 2019 ng Kongreso ng 50-taon prangkisa ang SMAI na gawin ang paliparan sa ilalim ng Build-Operate -Transfer (BOT) framework kung saan babalik sa gobyerno ang pagmamay-ari at kontrol.

Noong Hunyo, 2023, natanggap ng SMAI ang Writ of Possession ngunit hindi ito pinasok at inangkin ang lupa hanggang Pebrero, 2026, o pagkatapos ng tatlong taon, upang bigyan ng sapat na panahon ang Phileco na tapusin ang kanilang operasyon at makahanap ng bagong lugar na paglalagyan ng mga nakolektang basura sa Metro Manila.

Dahil kinokolekta ng Phileco ang mga basura at itinatapon sa landfill, nagmistulang bundok ng mga basura – plastik, papel, at organic materials— ang landfill at naipon ito sa loob ng dalawang dekada. Nang nasa kanilang operasyon ang landfill, nakakolekta sila ng 10,000 tonelada ng basura kada araw.

Nabubulok ang malaking bahagi ng basura, naglalabas ng methane gas, isang uri ng gas na nasusunog, at kapag uminit, biglang nagliliyab at nagbubunga ng sunog. Ito ang dahilan upang tumagal ng ilang araw ang sunog. May sariling progreso ang basura upang masunog.

Naulit ang sunog ng ika-10 ng Abril, 2026 ang unang sunog noong Enero, 2024. Hindi maaari na isisi sa SMC ang sunog dahil nakuha lang ng SMAI ang kontrol sa kompanya apat na buwan ang nakalipas.

May tatlong taon upang ayusin ang landfill sa ilalim ng government supervision. May atas na maglagay ito gas collection system upang mapangalagaan ang groundwater at matakpan ang buong landfill na panibagong lupa. Walang nangyari.

***

HINDI na namin inaasahan na muling makabalik si Bato dela Rosa sa Senado. Dahil hindi ibinigay ng Korte Suprema ang hinihingi niyang TRO, dalawa lang ang maaaring mangyari: una, madakip si Bato ng mga alagad ng batas at isuko ng gobyerno ni BBM sa ICC; at ikalawa, gugulin niya ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa pagtatago. Walang mainam kahit alin sa dalawa. Buhay ng talunan ang hinaharap ni Bato.

Hindi kumpleto kung hindi babanggitin ang haharapin ni Alan Cawatano at Camoteng Robin (nandidiri kaming tawagin silang senador). Sa takbo ng imbestigasyon sa nangyaring barilan sa Senado, hindi maaaring hindi sila ipagharap ng sakdal ng awtoridad. Obstruction of justice ang sakdal na isasampa laban sa kanila. Nagsabwatan sila upang makatakas si Bato.

Kaya manipis ang suporta kay Cawatano upang manatili siyang lider ng Senado. Sa sandaling kumilos ang mga sakdal laban sa mga ibang senador na nasa mayorya ngayon, tuluyang malusaw ang suporta ni Cawatano at dumadausdos ang kanyang liderato a pagbagsak. Ang nakakapanlumo ay si Camoteng Robin. Bahagyang nakarekober si Camote pero narito na ang bagong indulto na magpapatunay na isa siyang “bad boy.” Dahil lang sa pinagsamang kamangmangan, kayabangan, at katangahan.

Hindi lang iyan ang maaaring mangyari. Maaaring maharap sa sakdal na plunder anumang oras si Tricky Tsis Escudero at ang kanyang alalay na si Jinggoy Estrada. Parehong may gumugulong na sakdal laban sa kanila. Kumikilos ang sakdal laban kay Tricky Tsis sa Ombudsman at sa DoJ ang sakdal laban kay Jinggoy. Kapag sumampa ang mga ito sa hukuman, dapat nilang maunawaan na diretso sila sa bilangguan. Walang piyansa sa kanilang krimen.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi pumayag ang ilang senador na si Tricky Tsis ang maging Senate President. Hindi matibay ang kanyang kinatatayuan. Pero nakikita namin na mapipilitan itong makipag-usap sa kung kanino upang makalusot sa sakdal na plunder. Pero ano ang kapalit? Hindi namin nakikita si Tricky Tsis na boboto upang mapawalang sala si Misfit Sara. Mas mahal ni Tricky Tsis ang sarili kesa kay Misfit.

Steady lang ang minorya sa Senado. Hindi nila kailangan magmadali. Alam nila na madaling magiba ang kasalukuyang mayorya kapag sumulong ang mga sakdal sa mga senador na nahaharap sa pandarambong sa kaban ng bayan. Hindi nakakasiguro ang alinman kay Cawatano at Camote sa obstruction of justice na maaaring nilang harapan.

Unang kinakabahan si Camote. Hindi siya abogado at walang lalim ang kanyang unawa sa isyu na kinasasangkutan niya. Bistado na napapraning si Camote. Batid na madla na sa likod ng yabang at kamangmangan ni Camote, nandiyan ang labis na nerbiyos. Hindi totoong matatag ang pagkatao ni Camote. Nerbiyoso siya.