Advertisers

Advertisers

Lithuanians, Aussies naghari sa Nuvali Challenge

0 95

Advertisers

TINALO ng Lithuanian Olympian na sina Monika Paulikiene at Aine Raupelyte ang mga Amerikana na sina Alaina Chacon at Madelyn Anderson, 21-12, 21-11, upang makuha ang korona ng kababaihan sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge Linggo ng gabi sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang 6-foot-6 na si Raupelyte ay nagtapos na may 23 puntos, ang huli ay nagpatibay sa unang kampeonato ng magkapareha.

Ang 25-year-old Paulikiene umiskor ng 10 points, eight spikes at two aces.

Nanalo ang mga Lithuanian ng mga pilak na medalya sa Tlaxcala Challenge sa Mexico noong Marso at sa Xiamen Challenge sa China nitong nakaraang buwan.

Nagkaroon si Anderson ng 11 puntos habang si Chacon ay may walo habang natalo ang mga Amerikano sa mga Lithuanian sa ikalawang pagkakataon sa tatlong pagtatagpo.

Samantala, nalampasan nina Thomas Hodges at Ben Hood mula sa Australia ang Swiss tandem na sina Adrian Heidrich at Yves Haussener, 14-21, 21-16, 15-8, upang makuha ang titulo sa kalalakihan sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Philippine Sports Commission .