Advertisers
Isa pang Alyssa ang inaasahang pumanhik sa Prenier Volleyball League.
Batid natin na ang unang superstar ng liga ay si Alyssa Valdez na produkto ng Ateneo de Manila.
Ngayon ay sasama na sa rookie draft ng PVL si Alyssa Solomon na galing National University.
Pagkatapos lumaro sa NU ay sumubok ang opposite hitter sa Japan.
Ngayon handa na ang 24 años na dalaga sa hatawan sa PVL.
Saan kayang koponan mapunta ang Alyssa ng Lady Bulldogs.
***
Super exciting ang mga Game 1 ng Finals ng West at East ng NBA.
Paano kinailangan pa ng overtime para malaman ang winner ng mga unang labanan.
Double extra period pa kamo ang San Antonio vs OKC kung saan lumusot na panalo sina Victor Wembanyama. Yun namang New York lumabas na mas steady sa dulo ng duelo nila ng Cleveland.
***
Mayroon na palang video game na Senate Run base sa pag-eskapo ni Sen Ronaldo de la Rosa. Mangyari ay sinubukang siyang arestuhin ng NBI pagdating sa Senado matapos ang anim na buwang pagjawala.
Ang web game ay likha ni Jopel Mandac. Isa pa niyang binubuo ay ang Call of Senate na si OSAA Mao Aplasca ang bida.
” Satire at for entertainment purposes lang,” ani Mandac sa isang panayam.
May nagplaplano na rin ng mga vertical fun run na hango rin sa ginawang pagtakbo ni Bato sa hagdan ng gusali ng Upper House.
Noon nauso ang mga fun run na sa halip na sa kalsada ang takbuhan ay ginagawa ito sa mga stairs ng mga skyscraper sa Makati.
Naalala natin ang Race To The Top Vertical Run sa GT Tower International sa Ayala Ave.
Ginanap ito taong 2014 sa 40 palapag na building sa central business district ng Makati.
Organizer nito ang E-ventoligist ni Adi de los Reyes.
***
Nasa Bayugan City, Agusan del Sur si Maypr Leni Robredo nitong werkend pata sa Palarong Pambansa
Nandoon siya sa welcome dinner para sa mga VIP at mga kalahok ng taunang sporting event
Sinamahan din niya sa parada ang mga atleta ng Bicolandia lalo na ang mgq Nagieños na kasali sa paligsahan
Praypridad talaga ng alkalde ang sports kaya ipinadadama niya ito sa mga manlalaro.