Advertisers

Advertisers

Inihain ni Senator Villar ang Students’ Guidance Counseling Act, isinusulong ang mas matibay na mental health support para sa mga estudyante

0 6

Advertisers

Pasay City — Inihain ni Senator Mark A. Villar ang Senate Bill No. 2133 o ang panukalang Students’ Guidance Counseling Act, isang hakbang na naglalayong palakasin ang mga school-based mental health programs at palawakin ang access ng mga estudyanteng Pilipino sa guidance at psychosocial support services sa buong bansa.

Ayon sa pag-aaral na inilathala ng Cambridge University Press, ay mayroong nakaaalarmang pagtaas ng depressive symptoms sa mga kabataang Pilipino, kung saan mahigit dumoble ang kaso ng moderate to severe depression sa mga Pilipinong edad 15 hanggang 24 sa loob lamang ng walong taon.

Inilahad din sa pag-aaral na ito ang lumalaking mental health challenges na kinakaharap ng mga mag-aaral dulot ng tumitinding academic demands, socio-economic hardships, at iba pang external stressors na patuloy na nakaaapekto sa kanilang emosyonal at sikolohikal na kalagayan.

“Hindi dapat balewalain ang mental health ng ating mga kabataan. Marami sa ating mga estudyante ang nakakaranas ng matinding pressure sa paaralan at iba’t ibang personal na suliranin, ngunit madalas ay kulang ang suporta at gabay na kanilang natatanggap. Nakaaapekto ito hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi pati sa kanilang pangkalahatang kalusugan at kinabukasan,” ani Villar.

Binigyang-diin din ni Senator Villar ang matinding kakulangan ng guidance counselors sa bansa. Ayon sa kanya, tinatayang nasa 1:14,000 ang kasalukuyang counselor-to-student ratio sa Pilipinas—malayong-malayo sa global standard na 1:250. Ayon din sa Department of Education, libo-libong posisyon para sa guidance counselors sa buong bansa ang nananatiling bakante, dahilan upang maging limitado ang kakayahan ng mga paaralan na makapagbigay ng agarang intervention at sapat na psychosocial support sa mga estudyanteng nakararanas ng emotional distress, anxiety, depression, bullying, at iba pang mental health-related concerns.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Bilang tugon sa mga hamong ito, layunin ng panukalang batas na maibsan ito sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga kwalipikadong counselors at mga associate counselor o school social worker sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Isinusulong din ng panukala ang pinagtibay na school mental health at wellness programs, mas matibay na referral systems, at maagap na intervention mechanisms para sa mga estudyanteng nangangailangan ng specialized care.

“Sa pamamagitan ng panukalang ito, nais nating tiyakin na may sapat na mga propesyonal na handang umalalay at gumabay sa ating mga estudyante. Mahalaga ang maagang pagtukoy at agarang pagtugon sa mga suliraning may kinalaman sa mental health upang mas mabigyan ng tamang suporta ang ating mga kabataan,” diin ni Villar.

“Napakahalaga na ang ating mga paaralan ay maging ligtas at maaasahang espasyo kung saan nararamdaman ng bawat estudyante ang gabay, malasakit, at suporta. Makakaasa kayo na patuloy nating pakikinggan at bibigyang-halaga ang mental health concerns ng ating kabataan,” pagtatapos ni Villar.