Advertisers

Advertisers

DISCAYA: HIGIT 150 PERSONALIDAD SA FLOOD CONTROL SCAM

0 6

Advertisers

DETERMINADO ang kontratistang si Curlee Discaya na magbanggit pa ng mga pangalan ng politiko na umano’y sangkot sa multi-billion peso flood control scam.

Kasunod ito ng pag-aresto at pagkulong kay Discaya dahil sa kinakaharap na kasong malversation na may kinalaman sa flood control projects sa Bulacan.

Giit ng kontratista, panggigipit ang ginagawa sa kaniya para hindi maka-pagsalita.



Ayon kay Discaya, dahil ginamit at pinabayaan lamang siya ng ilang politiko, papangalanan na umano niya ang iba pang nasa higit 150 politikong sangkot sa umano’y korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.

“Akala ko nais n’yo ng katotohanan kaya nagbigay lang muna ako ng kaunting pangalan, pero sa maliit na mga binanggit ko na bilang, hindi na kayo mapagkakatiwalaan,” saad pa ni Discaya.



Inilagay si Discaya, na nadetine sa Senado matapos i-cite in contempt, sa ilalim ng kustodiya ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Isinakay si Discaya sa police mobile patungo sa Malolos, Bulacan para sa pagsasauli ng warrant.



Noong Biyernes, Hunyo 5 nang isyuhan ng Malolos Bulacan Regional Trial Court si Discaya ng arrest warrant, kasama ang kaniyang asawa na si Sarah Discaya at siyam na iba pa kaugnay sa naturang kaso.