Advertisers

Advertisers

Pisikal na pagdalo ni Jinggoy sa impeachment trial ni VP Sara, kinuwestiyon ng house prosecution panel

0 4

Advertisers

KINUWESTIYON ng House prosecution panel kung paano epektibong makakasali bilang senator-judge si Senador Jinggoy Estrada sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung hindi naman ito makakadalo nang pisikal.

Ito ang inihayag nina House Prosecutor Joel Chua at trial spokesperson Renee Co sa paglulunsad ng “Bantay Impeachment” sa Claret School, Quezon City.

Ani Chua, mahalagang naroon ang isang senator-judge upang makita ang kilos ng mga testigo at masuri kung nagsasabi ang mga ito ng totoo o hinde.



Ipinaliwanag naman ni Co na walang pagbabago sa mga patakaran ng Senado, kaya asahang may limitasyon pa rin ang partisipasyon ni Estrada dahil sa kanyang preventive suspension.

Binigyang-diin ni Rep. Co na iba pa rin ang kalidad ng paghatol kung harapang nakikita ang takbo ng paglilitis kaysa sa online o malayuan lamang.



Samantala, wala pang malinaw na desisyon ang Senado kung sino ang tatayong Presiding Officer o pinuno ng impeachment court.

Inaasahang malalaman ito sa pagsisimula ng paglilitis sa darating na Hulyo 6, kung saan haharapin ni VP Duterte ang mga reklamo ukol sa confidential funds, unexplained wealth, bribery, at pagbabanta sa mga opisyal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">