Advertisers
By ARCHIE LIAO
Panalong-panalo ang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti sa kanyang birthday concert na ginanap sa Viva Cafe noong Hunyo 21.
Special guest niya ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda na dumating kasama ang kanyang manager na si Tyrone Escalante.
Nagpakilig naman ang dalawa nang kantahin nila ang awiting “Mabagal” na pinasikat nina Daniel Padilla at Moira dela Torre.
Isa rin kasi sa inspirasyon sa paglikha ng musika ni Isha ang nasabing singer-songwriter.
Well applauded din ang pag-awit niya ng “Kabanata” na available na sa Spotify at lahat ng online musical platforms worldwide.
Nandoon din ang leading man ng nabanggit na music video na si Tyler na nagbigay sa kanya ng suporta.
Sa kanyang LIKAS special launch event, pinasalamatan din ni Isha ang kanyang mga magulang na naging katuwang niya sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan niya sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging singer-songwriter.
“If there’s someone who acts like an anchor in my life, I would like to say thanks to my Mom and Dad,”aniya.
Binati rin niya ang kanyang tatay sa okasyon ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ama.
“Happy Father’s Day. I always do this every year but this is special because being 20 means I have already experienced things and applied it to my songs. Some good, some that hurt, but it’s okay.I’m good,” dugtong niya.
True enough, naipamalas naman niya with flying colors ang range ng hugot niya through her songs.
Ang LIKAS na koleksyon ng kanyang mga kathang awitin ay pumapaksa sa mga reyalidad tungkol sa love, growth, healing at self-discovery.
Ito ay acronym para sa Longing, Illusion, Kindness, Acceptance, Self-love na siyang kaluluwa ng album at ng journey niya bilang artist.
Sa naturang concert, inawit niya ang kanyang pinasikat na singles tulad ng “Darating” tungkol sa paghihintay sa tamang tao sa takdang panahon, “Hinga”, isang panawagan para sa sandaling paglilimi pagkatapos na masawi sa pag-ibig, “Proud To Say” , isa sa mga unang awiting nilikha niya sa edad na 13, “Gulong”, isang pagsariwa sa pait ng nakaraan, “Warmth” na handog niya sa kanyang mga magulang, “Riversky” hinggil sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at “Numero” tungkol sa pagpapahalaga sa sarili o self-love.
Inawit din niya ang cover ng “Raining in Manila” ng Lola Amour, “Man I Need” at “So Easy” ni Olivia Dean, ” Kung Di Rin Tayo sa Huli” ng December Avenue at iba pa.
Naging madamdamin din siya nang kantahin niya ang “Bakas” na isa sa mga awiting tumimo sa kanyang puso.
Naging finale number naman niya ang “Mismo” na isang danceable song.
Sa kabuuan, ipinakita ni Isha ang kanyang versatility as a singer, dancer and host na kering-kering magdala ng sariling show at ready na for the big time.