Advertisers

Advertisers

SEN WIN GATCHALIAN KINILIG SA WINRI TANDEM NILA NI SEN. RISA

0 5

Advertisers

By Beth Gelena

Nagbigay ng reaksyon si Senate President Sherwin Gatchalian sa mensahe ng dating karelasyon na si Bianca Manalo nang tanungin siya sa isang panayam.

Pero, dalawang bagay ang tinanong kay Gatchalian: Ang mensahe ng dating kasintahang si Bianca matapos siyang mahalal bilang Senate President at ang “WinRi” loveteam nila ni Risa Hontiveros na pinag-uusapan ng ilang netizens.

Tungkol kay Bianca, nagpasalamat ang senador sa ipinadalang pagbati ni Bianca.

Ayon sa kanya: “Nagpasalamat ako, of course, kay Bianca. Nagpapasalamat din ako sa lahat.”

Ipinapakita nito na maayos pa rin ang kanilang samahan kahit nakumpirma na ang kanilang paghihiwalay.

Tungkol naman sa “WinRi,” kung kinikilig ba siya sa pagkakaroon ng loveteam, pabirong sagot ni Gatchalian:

“Syempre kinikilig din dahil na-associate ka sa isang magaling na tao.”

Nang sabihing tila namumula siya, natawa na lamang ang Senate President at sumagot ng:

“Kayo talaga.”

Ang pahayag ni Gatchalian ay tila pabiro at magaan lamang.

Wala siyang ibinigay na pahiwatig na may romantikong relasyon sila ni Sen. Hontiveros.

Ang “WinRi” ay isang bansag na likha ng ilang tagasuporta at netizens dahil sa kanilang pagiging magkatrabaho at magandang samahan sa Senado.

Samantala, ang mensahe ni Bianca ay nagpapakita naman ng suporta at paghanga niya kay Gatchalian sa kanyang bagong posisyon bilang Pangulo ng Senado.