Advertisers
NASAWI ang isang 14-anyos na menor de edad na babae, nang saksakin at laslasin ang leeg sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Subic, City of Baliwag, Bulacan, madaling-araw nitong Hunyo 29, 2026.
Sa report ni PLt.Col. Eisbon L Llamasares, kay Acting PNP Provincial Director PCol. Jay Baybayan, 3:30 ng madaling-araw ay nakatanggap ng tawag ang Baliwag City Police Station mula sa isang ospital kaugnay sa isang babaeng menor de edad na dinala roon nang magtamo ng saksak sa leeg.
Base sa paunang imbestigasyon dinala ang biktima sa ospital ng suspek kasama ang ina nito kung saan idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Samantala, agad namang naaresto ang suspek na si alyas Gani, 37-anyos at residente sa nabangit na lugar.
Kasunod nito’y agad nagsagawa ng occular inspection sa bahay ng biktima, kung saan na-recover ang patalim na ginamit ng suspek.
Kaugnay nito detinido ngayon ang suspek sa Baliwag City Municipal Jail sa kasong Murder.(Thony D. Arcenal)