Advertisers
NANINDIGAN ang Office of the Ombudsman na hindi mapipigil ng mga rali ang imbestigasyon at posibleng pagkaso ng plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Ito’y sa gitna ng kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA mula Martes ng umaga hanggang nitong Miyerkoles
Sa isang pulong balitaan, idiniin ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na pareho lang ang ipinaglalaban ng INC at ng Ombudsman na: “transparency at accountability”.
Sabi ni Clavano, mandato ng Ombudsman na mag-imbestiga.
Aniya, ang mga ebidensya at kumukumpleto sa elemento ng imbestigasyon ay nanggaling na mismo sa pag-amin ng mga respondent, kabilang na si Marcoleta.
Ipinaliwanag din ni Clavano na pasok ‘plunder’ ang kaso kahit na hindi pambansang pondo at private funds nangggaling ang pera sa pamamagitan ng donasyon kay Marcoleta.
Hindi rin aniya ito ang unang pagkakataon na private funds ang batayan ng plunder case dahil ganito rin ang scenario noon kay dating pangulo Joseph “Erap” Estrada at sa anak niyang si Sen. Jinggoy.
Sa huli, muling idiniin ni Clavano na walang kinalaman ang plunder case sa bilang ng boto ni Marcoleta sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa ngayon, muli niyang nilinaw na wala pang warrant of arrest laban kay Marcoleta dahil ito ay manggagaling sa isang Korte.
Samantala, hanggang 4:00 ng hapon nitong Mierkoles ay konti nalang ang natitirang nagrarali sa EDSA hindi katulad nung Lunes na halos napuno ang kahabaan ng highway.