Advertisers
“Tama ang direksyon ng Philippine Sports Commission sa pag- develop ng mga rehiyon kay sa dalhin ang mga pangunahing atleta sa Maynila.”
Si Fr Bob Yap ng Ateneo de Manila ay isang mabuting opisyal ng isang institusyon.”
” Ang Private Schools Athletic Association (PRISAA) ay magaling na organisasyon at katuwang ng PSC sa mga proyekto nito.”
” Proud ako sa nagawa natin para sa ikakaunlad ng dance sport sa Cebu City.”
Yan ay ilan sa mga tinuran at tinalakay natin kay PSC Commissioner Edward Hayco na naging
piling-piling panauhin sa OKS nitong Lunes sa DWBL 1242 khz.
Kaya todo suporta si Comm Ed sa programa ng ahensya na magtayo o pagandahin pa mga training center sa mga lalawigan. Mga 80% ng ating mga manlalaro ay probinsyano nga naman.
Si Fr Bob ay kaklase ni Comm Hayco kaya batid niyang maayos ang pagkatao at pamamalakad. Talagang nataon lang na siya ang pangulo ng Ateneo nang mangyari ang trahedya sa Aurora.
Kinikilala din ng ating espesyal na bisita ang mahalagang kontribusyon ng mga pribadong eskwelahan kaya dumalo siya sa pagpupulong ng samahan sa Zamboanga nang atin siyang makausap ni katotong Lito Cinco via zoom.
Isa pang legacy ni Ed Hayco ay ang pagiging popular ng dancesport sa siyudad ng Cebu. Siya ang sports czar ng lungsod sa loob ng 12 taon sa ilalim ng apat na alkalde. Katuwang pa niya ang PSC Chair na si Pato Gregorio na anim na taong konektado ito sa Waterfront Hotel doon.
Yung mga komento niya hinggil kina Mayor Leni Robredo, Onyok Velasco at Junemar Fajardo sa susunod nating pitak.
***
Mula 1930 na nagkaroon ng FIFA World Cup ay walong bansa pa lang ang nagkakampeon.
Ginaganap ang paligsahan tuwing ikaapat na taon maliban noong 1942 at 1946 dahil sa World War II.
Bale unang kampeon ang Uruguay. Pinakamarami sa listahan ang Brazil na may limang titulo. Ang Germany at Italy ay may tig-apat samantalang ang Argentina ay may tatlo.
Ang France at Uruguay may tigalawa at ang England at Spain ay may tig-isa.
Mga nasyon lamang yan ng Europa at South America kung saan sobrang popular ng game. Wala pa sa Asya, Africa at North America kung saan nandoon mga venue ng mga match ngayon.
Kung noong 2022 ay naghari ang Argentina ay sino naman kaya nitong 2026?
***
Habang nagbabakbakan ang 48 na bansa sa World Cup ng football ay idinaos din sa Italy ang ikawalong season ng Kings of Europe cage league ng mga Pinoy sa buong continent.
Labingdalawang team ang lumahok at tinanghal na numero uno ang team mula sa United Kingdom.
Kung dalawang linggo ang soccer ay dalawang araw lamang ang sa basketball ng ating mga kababayan sa Europa.
Kasali sa palaro ang Fil-Italia, Myckesole UK, The Irish, Flip- Vikings, PAS, Fil-Austria, D10, Oslo Force, Sweden Philippines, UMB Madrid, FinNoy Ballers at Luxembourg.
Nagwagi sa taong ito ang Myckesole United ng UK.
Pukpukan ang labanan dahil isang weekend lang ang mga laro. May mga trabaho pa kasi ang mga player.