Advertisers

Advertisers

DISIMPORMASYON DI KAYANG MAGDULOT NG KAPAYAPAAN

0 6

Advertisers

PINATUNAYAN ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), di lang dito, kung di sa isang harapan sa New York, na kailaman di kanyang magdulot ng kapayapaan ang disimpormasyon.

Kasama ang task force sa delegasyon ng Pilipinas sa Fourth High-Level Conference ng mga Heads of Counter-Terrorism Agencies sa United Nations nang ipahayag nila ito.

Ang tapat at bukas na pakikipag-usap ayon kay NTF ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., ang pinaka-mabisang paraan para matamo ang tunay na kapayapaan.

Dahil nag-iba na nga ang panahon ngayon, at mas tumindi ang mga ‘transnational terrorist networks’, :illicit financing’, ‘cybersecurity’, ‘artificial intelligence’, at mga ‘online influence’, nararapat pa rin ang bukas na pakikipag-usap o’ talakayan, ayon kay Torres.

Kaya naman sa conference na iyon, ang team nila Torres ay nagsagawa rin ng mga konsultasyon at harapan sa limampung (50) Filipino community leaders sa Philippine Consulate General doon

Ang mga initiyatibang tinalakay ay ang mga National Action Plan for Unity, Peace and Development, Barangay Development Program, E-CLIP, at ang Amnesty Program ng pamahalaan.

Ayon kay Torres, ang disimpormasyon ay minsan nanggagaling pa sa ibang bayan o’ bansa. Halimbawa, ang mga ulat ng pamahalaan sa mga ginagawa nito para sa bansa at mamamayan ay kayang baguhin sa disimpormasyon at sabihin isa lamang itong propaganda. Ang pakikipag-uganayan ng pamahalaan sa mga komunidad ay ginagawa o’ red-tagging.

Kung ang mga nagkakalat ng disimpormasyon, ay makikipag-usap lamang ng bukas at tapat, eh pihado nga namang magkakaroon tayo ng tunay na kapayapaan.

Ang katotohanan kasi ay di ikinukubli sa disimpormasyon, na magdulot lamang ng kaguluhan at pagkawaptak-watak.

Para makamit natin ang kapayapaan o’ katahimikan sa bansa, kinakailangan marunong din tayong makinig. Itinatama ng bukas na pakikipag-usap ang mga kamalian, prinoprotekhan din nito ang mga Karapatan ng bawat isa.

Ito naman talaga ang kailangan nating lahat, ang magkaroon ng Tamang kaalaman sa mga nangyayari at may kalayaang magsabi kung ano ang nasa saloobin ng hindi pinatatahimik.