Advertisers

Advertisers

PROSEKUSYON HANDANG HANDA SA PAGLILITIS NI MISFIT SARA

0 4

Advertisers

HANDANG-HANDA ang mga taga-usig mula sa Camara de Representante sa paglilitis ni Misfit Sara na pormal na magsisimula ngayong Lunes, ika-6 ng Hulyo. Nagpahayag ng pagtitiwala si Kin. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Prosecution Team, na may sapat ang paghahanda ng pangkat ng taga-usig sa itinuturing na makasaysayang paglilitis ng pangalawang pangulo.

“We are 100 percent ready. Our prosecutors, our legal team, and everyone supporting the prosecution have worked tirelessly to prepare for this constitutional duty. We are ready to present our case before the Senate Impeachment Court,” ani Adiong.

Binigyan diin ni Adiong na kahit handa ang prosekusyon sa paglilitis, dapat unawain na hindi agad ihaharap sa Senate impeachment court ang mga kinilalang saksi at malamang na pag-uusapan muna kung paano idadaos ang paglilitis.

“Marami ang umaasang may mga testigo agad bukas. Pero ang unang araw ay nakalaan para sa opening of the trial, opening statements, at pagresolba ng mga legal at procedural issues. Normal iyan sa anumang seryosong paglilitis,” ani Adiong.

“Matagal na naming hinihintay ang araw na ito. Sa wakas, magsisimula na ang proseso kung saan ang mga argumento ay ihaharap sa hukuman at, sa tamang panahon, ang ebidensya ay ilalatag sa Impeachment Court,” aniya.

“Hindi namin layunin ang makipagpalitan ng soundbite o makipagtagisan ng pulitika. Ang layunin namin ay simple—ilatag ang ebidensya, sundin ang proseso, at hayaan ang Impeachment Court na magpasya batay sa batas at sa mga katotohanan,” ani Adiong.

“Nirerespeto namin ang Impeachment Court at ang proseso nito. Anuman ang maging mga procedural rulings, susundin namin ang mga ito at ipagpapatuloy namin ang aming tungkulin bilang mga kinatawan ng House of Representatives,” aniya.

***

HININGI ni Deputy Speaker Paolo Ortega V sa sambayanan na panoorin ang paglilitis at huwag umasa sa mga viral clips, social media posts, at partisan commentary. Kailangan bigyan ng sapat na atensyon ang impeachment trial.

“Hindi araw-araw nagkakaroon ng impeachment trial laban sa isang nakaupong Vice President. Isa itong pambansang pangyayari na magiging bahagi ng ating kasaysayan. Kaya sana ay maging saksi ang bawat Pilipino,” ani Ortega na kumakatawan sa lalawigan ng La Union.

“I encourage everyone to watch the proceedings live from Day One. Listen to the arguments as they are made. Observe how the Senate Impeachment Court conducts itself. Form your own conclusions based on what you personally see and hear,” aniya. “Panoorin ninyo nang live. Huwag nating ipaubaya sa clickbait, edited videos, o algorithm ang paghubog ng ating opinyon.”

“Social media is a useful platform for discussion, but it should never replace firsthand information. Short clips can remove context. Headlines can oversimplify. Algorithms often reward the most emotional content, not necessarily the most accurate,” aniya.

“Sa panahon ngayon, isang 20-second video puwedeng magmukhang buong katotohanan kahit putol-putol lang ang ipinakita. Mas mabuti pa ring panoorin ang buong proseso,” aniya. Katotohanan pa rin ang mabisang pangontra sa fake news, aniya.

“Ang pinakamabisang panlaban sa fake news ay hindi argumento. Katotohanan ang panlaban sa fake news. At makikita ang katotohanan kapag pinanood natin mismo ang paglilitis. This is not simply about one official. This is about whether our institutions can carry out one of the Constitution’s most solemn responsibilities fairly, transparently, and according to law,” aniya.

“Hindi ito laban ng magkabilang panig lamang. Ito ay pagsubok sa ating mga institusyon at sa ating demokrasya,” ani Ortega.

“When millions of Filipinos follow the proceedings, ask questions, and stay informed, our institutions become more transparent and more accountable. Public attention is not a distraction—it is one of democracy’s greatest safeguards. Kapag ang taumbayan ay nakamasid, mas tumitibay ang transparency. Kapag ang taumbayan ay mulat, mas lumalakas ang pananagutan,” aniya.

“Huwag tayong maging tagapanood lang ng mga reaction video. Maging saksi tayo sa mismong kasaysayan. Panoorin natin ang impeachment trial mula Day One hanggang sa huli. Sa ganitong paraan, ang magiging pananaw natin ay nakabatay sa katotohanan, hindi sa ingay ng social media,” ani Ortega.

***

PARA kay dating Kin. Robert Ace Barbers, dapat dumalo sa paglilitis ni Misfit Sara dahil ito ang pagkakataon na ipaliwanag niya ang kanyang panig at linisin ang kanyang pangalan sa dungis ng mga paratang na dinambong niya ang salapi ng bayan.

“Ito ho ‘yung pagkakataon na tayo ay makakasagot, gaya ng inyong sinasabi ‘at the proper time, at the proper forum, sasagutin ko lahat yan.’ And this is the perfect time and forum,” ani Barbers, trial adviser.

“Kung ako ang tatanungin ay talagang mas mahalaga na nandoon siya nang sa ganun ipakita niya na siya ay rumerespeto sa ating rule of law, siya ay handa sumuporta at ipakita ang kanyang paniniwala sa isyu ng accountability at, of course, pagrespeto sa impeachment court na binubuo ng ating mga senador,” aniya.

Nagbigay ng tatlong rason si Barbers kung bakit dapat dumalo sa paglilitis si Misfit Sara. Una, tanda ito ng kanyang pagkilala at paggalang sa pangingibabaw ng batas (rule of law). Ikalawa, kung hindi totoo ang mga bintang sa kanya, bibigyan siya ng pagkakataon ng trial na magharap ng sariling ebidensya.

Pangatlo, ito ay isang pagpapakita ng pagsuko sa isang mekanismo ng accountability na sinasabi sa ating Saligang Batas, aniya. “Ito na ang pagkakataon na patunayan na lahat ng, base sa kanilang mga allegations, na ito ay isang politically motivated activity o ito ay isang haka haka o gawa gawa lamang—fabricated daw po ang lahat. This is the perfect opportunity na ma-disprove lahat po yan,” aniya.