Advertisers

Advertisers

Jaime Rivera magkakaroon ng fundraising concert na ang beneficiary ay ang sick and retired priests

0 4

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

MAGKAKAROON ng fund raising concert ang tinaguriang Inspirational Diva na si Jaime Rivera billed as Voices of Faih, A Night For Our Priests. Ito ay gaganapin sa July 17,6:00pm sa Subic Gymnasium SBMA. Hatid ito ng Diocese of Iba Zambales at ng Echo Jham Entertainment Prodction ni Miss Mhae Sarenas.

Special guests ni Jaime sina Chad Borja, Andrea Gutierrez at Priests of the Diocese & Tinjg ng Bikarya San Jose.

Ang beneficiary ng concert ni Jaime ay ang sick and retired priests.

Post ni Miss Mhae sa kanyang FB account,”Join us for a beautiful evening of music and purpose at ‘Voices of Faith.’ Let’s come together to support our retired priests and vocations.

Ang ilan sa mga kantang pinasikat ni Jaime ay ang Tanging Yaman, I’ve Fallen For You and Tell The World of His Love.

Watch na kayo ng concert ni Jaime at siguradong mag-i-enjoy kayo, bukod pa sa makakatulong kayo sa mga pari. Kayo sugod na sa Subic Gymasium SBMA on July 17.

***
PA-booking pala mga itong dating aktor noong kayang kabataan.
At siya mismo ang naghahanap ng bading na handang ikama siya, kapalit ng malaking halaga. Wala siyang booking agent, huh!

Ayon sa aming reliable source, sa mga sikat na mall naghahanap si dating aktor ng parukyanong bading.

Kapag may nakita raw itong bading na mukhang yayamanin, at nag-iisa lang, ay nilalapitan niya. Tinatanong kung saan pupunta, at sasama raw siya.

At ‘yung source namin mismo ang isa sa nilapitan ni dating aktor noong nakita niya ito sa bandang Makati.

Kaso, tinanggihan siya nito. Baka raw kasi mataas ang singilin nito sa kanya. Kahit kaya niya raw magbayad, ay hindi raw kasi siya ‘yung tipo ng bading na maglalabas ng malaking halaga ng pera kapalit ng sandaling kaligayahan.

O di ba, ang taray ng source namin? Gwapo na at artista si dating aktor pero tinanggihan niya pa ito.

Sino si dating aktor? Ayaw niya na talagang balikan ang pag-aartista. Nasa ibang bansa na ito ngayon at may iba nang trabaho.