Advertisers
PLANO ng Pilipinong boxing icon na si Manny Pacquiao na magkaroon ng exhibition fight bago matapos ang taon dahil ang inaasahang laban kay Floyd Mayweather Jr. noong Setyembre ay pansamantalang nakatakda na ngayon sa huling bahagi ng Enero, ayon kay MP Promotions CEO Jas Mathur noong Lunes, Hulyo 13.
Habang nagsasalita sa harap ng mga miyembro ng media sa punong-tanggapan ng MannyPay sa Makati, ipinahayag ni Mathur na kasalukuyang nagtatrabaho ang kampo ng nag-iisang walong dibisyong kampeon sa mga posibleng laban, lalo na sa isang eksibisyon.
“We’re working on a few different fights right now for him. Presently there’s likely going to be an exhibition that we’re trying to put together in the fourth quarter of this year,” Wika ni Mathur.
Sinabi ng MP promotions executive na wala pang opisyal na pangalan kung sino ang kakalaban ni Pacquiao sa exhibition, pero nilinaw ni Mathur na hindi pa rin ganap na tinatanggal ang posibilidad ng isang propesyonal na laban.
Ang nakumpirma pa lang sa ngayon, ayon kay Mathur, ay walang Mayweather-Pacquiao rematch na mangyayari ngayong taon. Ang pansamantalang petsa ay huling bahagi ng Enero sa isang lugar na hindi pa niya maibunyag, pero tiniyak niyang magaganap pa rin ito sa Las Vegas.
“The Floyd fight that everybody wants to know about, that fight is being postponed,” Wika ni Mathur.