Advertisers

Advertisers

SONA speech ni PBBM plantsado na

0 4

Advertisers

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging isang ulat sa taumbayan ang kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA), kung saan ilalahad niya ang mga nagawa ng pamahalaan mula noong nakaraang taon at ang naging tugon sa mga hamon sa ekonomiya at iba pang pandaigdigang isyu.

Ayon sa Pangulo, ipapaliwanag niya kung paano nakatulong ang mga hakbang ng gobyerno upang malampasan ng mga Pilipino ang mahirap na sitwasyon at maipagpatuloy ang pagbangon ng bansa.



Inihayag din ni PBBM na patuloy pa rin niyang inaayos ang kanyang talumpati at karaniwan itong binabago hanggang isang oras bago ang SONA upang matiyak na kumpleto at naaangkop ang nilalaman.

Samantala, nang tanungin kung tatalakayin niya ang usapin ng korapsyon na binanggit niya sa nakaraang SONA, maikli niyang tugon: “Abangan ang susunod na kabanata.” (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">